8

8 0 0
                                    

Isang buwan na lang graduation na namin kaya naman abala kami, halos busy na din kami ngayon dahil sa mga pinapapasa sa aming requirements.


"Alli nakapag pasa ka na ba?"


"Yes, ikaw ba?"


"Oo kakapasa ko lang eh"


"Oh okay, sige una na ako!"


Pumunta na ako sa parking at pumasok na sa kotse ko, naalala ko pala yung pangako ko kay Ken kaya naman agad ko siyang tinawagan.


"Ken, kailan graduation niyo?"


["April 24, tutuparin mo talaga huh?"]


"Hindi naman kasi ako talk shit"


["Lol"]


"Sige na bye!" 


Hindi muna ako umuwi dumarecho ako sa mall para tumingin ng ireregalo kay Tian, naisipan ko din bilhan sila Ken dahil kaibigan ko din naman sila. 


Nang makarating ako sa men section agad akong tumingin ng polo para kala Caleb, Aziel at Ken kinuha ko agad yung tatlong polo at binayaran iyon sa cashier, pagtapos ay pumunta ako sa bilihan ng mga relo natandaan ko kasi sabi sa akin ni Christian noon na kung reregaluhan ko siya gusto niya relo para sa tuwing titingin siya sa relo niya maalala niya ako at maalala niya na dapat may oras din siya para sa akin.


"Ma'am eto po"


Agad kong kinuha ang inabot sa akin ng babae na relo, mukhang bagay naman sa kanya to at hindi naman din kasi mapili si Tian sa mga gamit.


"Sige miss kunin ko na po"


Inabot na sa akin ng babae ang paper bag at agad ko namang kinuha iyon, pumasok din ako sa women section dahil bibilhan ko din regalo si Hannah. Nakakita ako ng sling bag na maliit yun na lang ang binili ko. Kumain na din ako pag tapos ko mamili.


Nang makarating na ako sa condo inayos ko na ang sarili ko, bukas ko na lang aayusin yung mga regalo sa kanila, maaga din ako namili dahil sa susunod na mga araw busy na ako baka wala na din akong time mag mall wala naman akong klase bukas kaya doon ko na lang babalutin ang regalo ko.


Nagising ako sa alarm ko agad naman akong nag ayos ng sarili ko at kumain ng breakfast, nag linis muna ako condo at naligo na pag tapos, bibili kasi ako ng pang balot sa mga regalo.


Nang matapos ako mag ayos kinuha ko na ang susi ng kotse at umalis na, mas malapit yung school ni Tian sa amin doon lang din kasi may malapit na bilihan ng school supplies. Agad naman ako nag hanap ng parking pagtingin ko sa cellphone ko mag 11 a.m. na pala.


"Ma'am 350 po lahat"


Inabot ko ang bayad kay ate at umalis na din, wala naman akong balak pa mag stay dito.

Kung sakaliWhere stories live. Discover now