2

17 1 0
                                    

"Waren sino kasama mo?"


Bungad sa amin ng ka team mate ni James, nagulat siya nang makita akong lumabas sa kotse.


"BRO WTF? GIRL----"


"Excuse me, ex- girlfriend"


"What Alli? Are you cheating on James?"


"No, tanungin mo si James kung sino nga ba talaga nag cheat. Excuse me!"


"Waren, ano 'to?"


Umalis na kami ni Waren sa parking, at pumasok na sa loob ganoon pa din naman maiingay sila.


Nakita  ko si James lasing na lasing na, kasama sila Bryan at sila Ken close naman silang lahat kaya sila sila din ang nagdadamayan sa mga problema nila, matagal ng kaibigan ni James si Ken kaya nadito siya at si Christian naman at iba niya pang kasama ay kaibigan ni Ken kaya sinama ni Ken sila.


Agad naman ako nag hanap ng ibang kwarto para sa amin ni Waren, hindi pa din ata alam ni James na bumalik ako ng resort.


"Alli akala ko umuwi ka na?" 


"Akala ko din Bry, don't tell James na nandito ako"


Naginom na lang ako sa may buhanginan, habang dinadama ang hangin at ang agos ng dagat na papunta sa akin.


"Hey"


"Tian?"


"Can I join you?"


"Sure" tinapik ko yung sa buhangin senyas na umupo siya sa tabi ko.


"I'm sorry pala kanina"


"No it's okay, wala iyon"


"Nastress lang talaga ako sa nangyare"


"Alam ko naman, niloko ka na naman ba uli ni James?"


"uli?" nagtatakang tanong ko sa kanya, halos dalawang taon na din kami walang communication at hindi naman din niya close si James kaya  nagtataka ako kung paano niya nalaman.


"Ah nabanggit ni Ken sa akin dati yung nangyare sa inyo, kaya ayon"


"Ahh, okay"


Nanahimik lang kaming dalawa habang nainom.


"Wala ka pa ding girlfriend?" pag basag ko sa katahimikan namin.


"Ah hindi ko priority"


"Ah okay"


Hindi ko alam, bakit ko natanong kay Tian yung bagay na iyon ang awkward lang talaga para sa akin.


"Tian, akyat na ako."


Tumango lang siya at iniwan ko na siya sa may buhanginan, medyo nahihilo na din ako naka ilang bote na din kasi ako ng alak hindi ako sanay mag inom gusto ko lang talaga makalimot sa nangyare.


"Waren" nahihilong sabi ko nang makapasok ako ng kwarto


Agad naman niya akong sinalo nang makita niya akong magtataob na.


"Hey you're drunk"


"Nope, I'm not"


"Alli, you are drunk!"


Natawa na lang ako na may kasamang luha.


"Tangina hindi ko deserve 'to eh, ginawa ko naman kasi lahat kaso wala eto pa din sukli. Fuck love"


"Sana kasi ako na lang"


"Waren what the fuck?"


"Alli, bakit kasi pinipili mo yung taong paulit ulit kang sinasaktan! Ako nandito ako, kapag hindi kayo okay ni James ako yung nandito, kapag niloloko ka niya ako yung nasa tabi mo. Alli paano ako makaka move on? Paano kita makakalimutan kung sa tuwing hindi kayo okay ni James ako takbuhan mo! Alli ako nag adjust sa lahat, lumipat ako ng school, lumayo ako sayo, sa inyo pero ano? Isang message mo lang, tawag hindi ko kayang matiis"


"Waren hindi ba napag usapan na natin to?"


"Alli, ayaw mong nasasaktan ka, pero nakakasakit ka ng ibang tao hindi mo napapansin. Ayaw mong nadudurog ka pero nang dudurog ka ng iba. Alliana dinudurog mo ako"


"Then leave!"


"Sana gaano lang kadali no? Sana kung gaano kadaling sabihin gaanon lang din kadaling gawin"


"What do you want Waren?"


"You, I want you!"


"Tangina hindi ko pwedeng pilitin sarili ko, hindi porket gusto mo ako gusto din kita."


"Pag aralan mo kasi Alli! Hindi porket alam mo na nandiyan agad ako ganto na. Hindi ba you are asking me kanina kung ginagamit mo ako, gusto mo ba sagutin ko iyon?"


"Wa---"


"OO ALLI GINAGAMIT MO LANG AKO, KAPAG WALA SIYA NASA AKIN KA, OO GINAGAMIT MO AKO, AT AKO NAMANG TANGA NAG PAPAGAMIT KAHIT ALAM KONG MASASAKTAN LANG AKO"


"I'm sorry" umiiyak na sabi ko


"Alli, please stop! I'm done. Kung mahal kita dapat alam ko din kung paano mahalin sarili ko, wala naman ako mapapala dito, uwi na ako"


Hindi ko alam gagawin ko, tama nga si Hannah I'm only using Waren kapag walang wala ako at ang tanga ko sa part na I am using the person na walang ibang ginawa kung hindi mahalin at alagaan ako.


"Fuck you Alliana Claire Montes" sambit ko sa sarili ko habang naiyak 


Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa sahig ng kwarto habang sinisisi ko ang sarili ko sa nangyare.





Kung sakaliWhere stories live. Discover now