23

15 0 0
                                    

Inayos ko na ang mga gamit ko, dahil flight ko na bukas aalis na naman ako pero kailangan para makapag simula uli ako at maayos ko ang sarili ko. Tumingin ako sa orasan at nakita kong mag ala sais na pala ng gabi. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para tawagan si Christian.


["Claire?"]


"Tian busy ka ba? Pwede ka ba pumunta sa condo ko? May sasabihin lang ako gusto ko kasi sa personal"


["Sige, pag katapos ng meeting ko. Text mo na lang sa akin exact address mo"]


Binababa na ni Tian ang tawag, agad ko namang tinext sa kanya ang exact address ng condo, inyos ko na din muna ang ibang kalat sa condo  habang inaantay si Tian. Agad naman akong tumayo nang may kumatok sa pinto.


"Tian?"


"Claire anong meron?"


"Pasok ka"


Nang makapasok si Tian nilibot niya ang tingin sa unit ko.


"Maglilipat ka?"


"Hindi, flight ko na bukas ng 10 a.m. babalik na ako New York for good"


"Bakit?"


"Magsisimula uli ako, kailangan eh"


"Claire, okay ka lang?"


"Tian yung totoo hindi"


"You can tell me" sabay upo sa sofa, umupo na din ako sa sofa at tinabuhan siya


"Tian akala ko matatanggap ko na lahat pero hindi pa pala, nung nakita ko kayo ni Shai na kinasal unti unti akonh dinudurog sinasabe sa sarili ko na dapat ako siya dapat yung posisyon ni Shai ngayon ako eh, ako nag aalaga sayo ako kasama mo ako dapat, pero wala ang tanga ko ang duwag ko kasi sana pinaglaban kita baka sakali diba tayong dalawa yung kinasal."


"Claire" sabay buntong hininga


"Tian gusto ko lang mag paalam sayo ng formal, alam ko mali eh pero gusto ko lang sabihin sayo na salamat kasi nakilala kita, natuto akong maging matapang at mag pursigi kahit sobrang sandaling pagkakataon lang meron tayo noon naging masaya ako kahit anong manyare dito, may special kang parte Tian, ikaw yung lalaki unang minahal ko at siguro huli na din. Hindi lang ako makapaniwala na hindi na pwede mahal na mahal kita eh kaso wala na, wala ng pag asa pa sinayang ko lahat ng meron pagkakataon noon ang tanga ko. Tian ikaw pa din ang first love ko at hindi magbabago iyon. I promise this is the last time na makikita mo ako, gusto ko maging masaya ka, pangako mo sa akin hindi mo hahayaan na saktan ka ni Shai katulad ng ginawa ko huh! Mahal kita Tian pero kailangan ko na mag let go, masakit pero eto ang tama" niayakap ko na lang siya at sinulit ang mga oras.


"Tian hayaan mo ako kahit sa huling pagkakataon maramdaman kong mahal mo pa din ako"


"Claire may asawa na ako"


"Alam ko"


"Claire sige na inaantay na ako ni Shai, mag iingat ka palagi huh! Tuparin mo mga pangarap mo kahit hindi na ako ang kasama mo na tumupad noon. Keep fightin Alli. Have a safe flight tomorrow. Goodbye!" umalis na si Tian sa unit, naiwan na lang ako mag isa ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang sakit.


Inayos ko na ang sarili ko at iba kong gamit, natulog na din ako dahil maaga pa ako bukas na aalis.


"Alli ingat ka huh! face time na lang tayo uli"


"Oo naman Hannah, mag baby na kayo ni Bry jusko naman para may inaanak na ako sayo"


"Gago"


"Ken, Aziel, Caleb pakabait na kayo, wag kayo mahiya mag chat kapag may problema kayo huh! One chat away lang ako!"


"Oo na" naiiyak na sagot ni Aziel


"Mom, dad ingat kayo alagaan niyo sarili niyo, ate alagaan mo si Sophie at kuya huh"


"Copy, copy" naiiyak na sambit ni ate


"Papasok na ako mag ccheck in pa ako, ingat kayo huh!"


Bumeso na ako kala mommy at nag paalam na, mahaba habang biyahe na naman ang mararanasan ko nakakapagod din kahit nakaupo ka lang maaga pa naman ako sa flight ko kaya umupo muna ako at pinanood mga eroplano na nadating at lumilapad.


"Kung sakaling naging matapang ako para sa amin ni Christian baka masaya ako, pero huli na nag lahat hanggang kung sakali na lang ako."


Nakarating na din ako ng New York halos hindi ako naimik kay tita dahil na rin sa halo halong nararamdama ko, nakansandal lang ako sa kotse at pinapanood ang bawat patak ng snow sa daan.


"Kung makakausap ko ang 15 years old na sarili ko sasabihin ko sa kanya na, huwag niyang sasayangin ang pagkakataon na dadating sa kanya kung susugal ka naman walang mawawala at least hindi ka nag sisi sa huli, kung kailangan masaktan masaktan basta tatayo uli pag katapos. Para sa huli hindi mo sasabihin na kung sakali sana..."


Bumuntong hiningi na lang ako sinabe ko sa sarili ko na "Keep fighting, Alli" 



;

Kung sakaliWhere stories live. Discover now