17

6 0 0
                                    

Dalawang  taon na din ako naka stay dito, may trabaho na din ako hindi ko ineexpect na may makakasundo din pala ako sa trabaho ko. Hindi ko pa din naiisipan kung kailan ako babalik sa Pilipinas. 


"Tita, wala po ba kayong lakad ngayon?"


"Ay nako Alli wala kaya dito muna ako sa bahay, ikaw ba wala ka balak pumasyal?"


Umiling lang ako at umakyat na sa kwarto, tag lamig na din dito kaya nakakatamad na gumala ng gumala, wala na din ako masiyado balita kala Ken kung ikakasal na ba sila o ano dalawang taon na din kasi.


Bumababa na din ako ng makita kong mag gagabe na maaga din kasi nag didinner si tita at siya lang naman tao sa bahay kaya sinasabayan ko siya lagi kumain.


"Alli kailan mo ba balak bumalik?"


"Hindi ko pa alam tita eh"


"Okay ka na ba?"


"Po?"


"Alli hindi mo naman kasi mamadaliin pumunta dito kung may tinatakasan ka sa Pilipinas na tao"


"Tita?"


"Alli kilala ka ng mommy mo, anak ka niya kahit hindi ka magsabi alam niya kung nasasaktan ka"


"Tita? Anong ibig sabihin niyo?"


"Alli bago ka umalis, mga panahong inaayos mo papeles mo para makapunta dito napansin ka ng mommy mo na gustong gusto mo ng umalis, hindi manhid mommy Alli. Sa tuwing tatanungin ka niya kung kailan ka babalik umiiwas ka, Alli kailangan mo harapin kung ano man iyan hindi ka naman papatahimikin niyan hahanap hanapin ka lang problema. Matapang kang babae kaya alam ko kung ano man iyan kaya mong harapin"


Natahimik na lang ako sa sinabe ni tita, tama naman sila eh kaya ayokong umuwi ng Pilipinas dahil hindi ako ready sa kung anong bubungad sa akin kung masasaktan ba ako o magiging masaya.


"Anak, kung ano man iyan tandaan mo sa una lang lahat masakit pero kapag nalagpasan mo maniwala ka sa akin ang sarap sa pakiramdam"


Naiwan na lang ako mag isa sa kusina, nakatulala sa pagkain ko hindi ko alam kung kailangan ko pa ba haharapin dahil tapos na o ayoko lang dahil ayokong masaktan.


Ganon lang din naman yung ginawa ko kinabukasan halos trabaho at bahay lang pinagiisipan ko ding kung uuwi na ba ako ng  Pilipinas for good o mag stay na lang dito may ipon na din naman ako at sapat na iyon para magtayo ng business o kaya mag apply na lang uli ako.


"SIS SERYOSO KA UUWI KA NA?"


"Oo nga, kaso medyo matatagalan pa ako aasikasuhin ko pa yung sa trabaho ko"


"Edi aabot ka pa sa kasal ko?"


"Gago? Kailan ba kasal niyo?"

Kung sakaliWhere stories live. Discover now