Part 2 - Chapter 10

1.3K 161 8
                                    

Benjamin

Sabado. Day off ko sa spa. Noong wala pa si Jerry sa bahay ko at kaming dalawa palang ng anak ko ang magkasama, lagi kong nilu-look forward ang araw na ito dahil ito lang ang pagkakataon naming mag-ama na magkasama ng matagal-tagal dahil wala ring pasok sa daycare si JB. Ngayon, mas lalo akong naeexcite sa idea ng araw ng Sabado.

Buti na lang at wala ring lakad si Jerry ngayong araw. Narealize ko na karamihan sa pinupuntahan niya ay sarado rin kapag weekends kaya naman pabor na pabor sa akin ang sitwasyon. Pati si JB ay halatang masaya sa idea na makakasama niya ang Tito Jerry niya sa araw na wala siyang pasok.

Pero sa totoo lang, noong magising ako kaninang umaga, inanticipate ko na agad kung anong mangyayari ngayong araw. Nakalimutan ko, iba na nga pala ang lahat. Hindi na tulad noong teenager pa lang kami ni Jerry, na kapag magkasama kami, bawat sandali ay puno ng saya, ng tawanan, ng kwentuhan. Ganoon kami dati, at kuntento na kami doon. Dati, kung kailan simple pa ang lahat.

Ngayon, hindi ko alam kung magagawa ko pang makipagkwentuhan kay Jerry tulad ng dati. Ni hindi ko nga alam kung gusto niyang makipagkwentuhan o kung gusto man niya, ano naman ang pagkukwentuhan namin? Hindi kaya maging awkward lang ang buong araw ng Sabado dahil imbes na makapagbonding kami ay mailang lang kami sa isat isa?

Buti na lang dahil kung excited ako, mas excited pa yata sa akin ang anak ko. Maaga siyang gumising at nang lumabas ako ng kwarto ko, naroon na sila ni Jerry sa dining room. Hindi na nakapangtulog si JB at umiinom na ng gatas habang nakikipagkwentuhan kay Jerry. Hindi nila napansin na papalapit na ako sa kanila.

"Aba, anong nangyari at nag-iba yata ang ihip ng hangin?" Lumapit ako sa anak ko at hinawakan siya sa noo. "May lagnat ka ba?"

Agad na yumakap si JB sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Good morning, Daddy Ben. Wala po akong sakit. Bakit niyo po naisip na may lagnat ako?"

"Eh kasi," Inurong ko ang upuang kahoy at umupo sa tabi ng anak ko. Alam kong nakatingin sa akin si Jerry pero pinilit kong wag muna siyang pansinin, kahit sa totoo lang, distracted ako at pakiramdam ko ang init init ng mukha ko. "Kung kailan Sabado saka ka gumising nang maaga. Pag may pasok, kahit yata itaob ko ang kama mo, ayaw mong bumangon. Para kang bayawak na hinihila sa lungga at ayaw lumabas."

Dahil sa sinabi ko ay tumawa nang malakas si JB. "Bayawak daw. What is Bayawak, Tito Jerry?"

Damuhong bata. Tatawa tawa, di naman pala alam kung ano yung bayawak. Siguro natawa siya sa tunog ng salita. Hindi siya sanay. At iyon nga, dahil isinali na niya sa usapan si Jerry, wala na akong nagawa kundi tingnan ang gwapong nilalang na kuntodo nakasuot ng pulang apron sa ibabaw ng sandong puti at boxer shorts. Hindi ko maiwasang mailang lalo na't ganoon ang ayos niya. Bahagyang magulo ang buhok at kitang kitang bagong gising dahil naniningkit ang hindi naman normal na singkit na mga mata sa ilalim ng suot niyang makapal at malinaw na salamin.

"It's a large lizard, JB."

"You mean, a gecko?"

"It's even bigger than a gecko. People call it a 'monitor lizard'."

“Brrrrr." Umarte si JB na parang natatakot at nanginginig pa. Tawa naman nang tawa si Jerry habang pinagmamasdan ang kakulitan ng anak ko. Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako dahil sa nakikita. Ang gwapo talaga ni Jerry. Ilang taon man ang lumipas, lahat man ay magbago, hindi mabubura ang katotohanan na iyon.

Huli na nang mapansin kong sa akin na pala siya nakatingin at hindi na kay JB. Agad kong binawi ang ngiti ko at umayos ng upo. "Good morning, Jerry."

Ngumiti siya at inilapit ang plato ng bacon sa akin. "Good morning din. Breakfast ka na."

"Pasensya ka na ha, maaga ka yatang binulabog ni JB."

Two Roads - Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon