Part 2 - Chapter 19 (1 of 2)

1.1K 132 4
                                    

Jeruel

Kahit pakiramdam ko ay nanlalambot pa ako at may kaunti pang hilo, at sa kabila ng pagproprotesta ni Benjie, ay lumabas pa rin ako bago gumabi. Dahil nasira ang cellphone ko ay kailangan kong bumili ng bago. Baka mamaya ay may namimiss na akong mahahalagang tawag. Iyon ang dahilan ko kung kaya napilit ko rin si Benjie na payagan ako. Kung sabagay, kahit hindi naman niya ako payagan ay aalis pa rin ako. Pero mas maganda na maayos ang pagkakaintindihan namin.

Mabuti na lamang at hindi pa kami nagkapalitan ng numero ni Michael. Balak ko kasi ay ibibigay ko ang number ko sa kanya kapag uuwi na. Pero dahil nga iba ang nangyari, ay hindi natuloy. Salamat sa Diyos dahil malaking abala kung papalitan ko pa ang sim card ko para lang makaiwas na macontact ni Michael.

Mabilis akong nakabili ng cellphone dahil kung ano ang model at unit ng nasira ko ay iyon din ang binili ko. Palibhasa ay nangako ako kay Benjie na uuwi rin agad, ay hindi na ako nagliwaliw pa.

Nagaabang ako ng taxi pauwi nang may isang kotseng pula na tumigil sa tapat ko. Nagulat ako nang makita sa driver seat si Benjie. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat para sa akin. Pagpasok ko ay napansin kong nasa backseat si JB ngunit tahimik lamang na nakatingin sa akin at hindi ako binati.

“Talagang nanundo pa ah. Sabi ko naman na kaya ko ang sarili ko and I’ll keep safe.” sabi ko habang tumatawa. “Saan nga pala galing ‘tong car?”

“May imi-meet kami ni JB. And I want you to come along.” si Benjie, na parang hindi narinig yung sinabi ko.

Nilingon ko ang batang nananahimik pa rin sa backseat at nakatingin lang sa akin. Parang may mali. Parang may kakaiba.

“Nakabili na nga pala ako ng bagong phone. Tatawagan na sana kita para sabihing pauwi na ako nang dumating kayo.”

Hindi tumugon si Benjie at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho. Dahil doon ay nanahimik na lang din ako. Baka masama ang loob niya sa pagpupumilit kong umalis pa rin kahit anong pagpigil niya. Ang pangit sa pakiramdam. Parang may mali talaga. Hindi ko lang alam kung ano.

Mas lalo pang dumoble ang pagaalala ko nang mapansin ko kung ano ang tinatahak naming daan. Patungo iyon sa Antipolo, kung saan kami nagpunta ni Michael noong nagdaang gabi. Tandang tanda ko pa ang itsura ng paligid, ng mga bahay, ng paliku-likong kalsada. Anong gagawin namin dito? Sino ang imimeet ni Benjie? Si Michael ba? Nakapagdesisyon ba siya na idemanda si Michael nang hindi hinihingi ang pagsang-ayon ko? O baka gagantihan niya si Michael. Pero bakit isinama niya ang anak niya? Hindi ba tila delikado iyon? Nakakalito talaga. Nasa gitna ako nang pagiisip nang inihinto niya ang kotse.

“Andito na tayo.” sabi niya sabay bukas ng pinto ng driver’s seat at walang anu-anong bumaba. Ganoon din ang ginawa ng kanyang anak. Pinagmasdan ko ang paligid. Iyon mismo ang pinuntahan namin ni Michael noong nagdaang gabi dahil tandang tanda ko ang itsura ng malaking puno kung saan sa lilim niyon ay ipinarada ni Michael ang kanyang motor. Ang nakapagtataka ay wala ang restobar, at sa halip ay tila kawalan lang ang natatanaw na sa aking palagay ay malalim na bangin. Anong nangyari? Dahil ba sa naganap ay ipinasarado ang restobar at dinemolish? Pero kahit pa, hindi sapat ang isang araw para maalis ang lahat nang iyon.

Bumaba ako sa kotse at naramdaman ko agad ang lamig. Nakatingin lang ang mag-ama sa akin at walang kaemo-emosyon ang mga mukha.

Kahit nilalamig ako ay hinubad ko ang suot na jacket at inabot kay JB. “Benjie ang lamig. Baka magkasakit ang anak mo.” Tumingin lang siya sa akin ngunit hindi kinuha ang jacket mula sa akin. Dahil doon ay ako na mismo ang nagbalot nun sa katawan ni JB.

“I wonder what’s wrong with you. Kanina pa ko nawi-wirduhan sa nangyayari. Why are we here?” Tinanaw-tanaw ko ang bangin kung saan ilang talampakan lang ang layo mula sa kinatatayuan namin.

Two Roads - Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon