Part 2 - Chapter 18

1.1K 140 17
                                    

Jeruel

Umaga na. Natapos din sa wakas ang gabing tila bangungot para sa akin. Akala ko hindi ko na makakayanan pa. Halos isuka ko pati bituka at lahat ng laman loob ko dahil sa sobrang sama ng pakiramdam. Bagamat parang malabo ang lahat, naaalala kong nagpaulit-ulit akong nagsabi na ayoko na. Hindi na ako uulit.

Idinilat ko ang mga mata ko at iginala ang paningin sa paligid. Pinagmasdan ko ang sinag ng araw na dumadaan sa bintana papunta sa kamang hinihigaan ko. Malinis ang paligid. Parang walang bakas ng nakakadiring pangyayari kagabi. Wala na ang timbang halos yapusin ko habang sumusuka. Napalitan na ang mga sapin. Pati ang suot kong damit ay iba na rin. Tumingala ako at nakita sa tabi ng unan ko ang aking bag. Napapikit ako. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi bago ko tinawagan si Benjie. Agad kong binuksan iyon at tiningnan ang laman. Salamat naman dahil kumpleto pa ang mga gamit ko.

Bumangon ako kahit ramdam ko pa rin ang hilo at sakit ng ulo. Kumakalam ang sikmura ko. Siguro dahil sa walang kalaman laman ang tiyan ko dahil isinuka ko ngang lahat. Kahit pakiramdam ko’y gusto kong magtago na lang sa kwarto at wag humarap kay Benjie, kailangan kong harapin ang kahihiyang ako rin ang may gawa.

Inabutan ko siya sa kusina, nagbabasa ng dyaryo. Nakatakip iyon sa mukha niya kung kaya hindi ko alam kung naramdaman niyang papalapit ako. Umupo ako sa tapat niya.

Mahina akong umubo para magparamdam. Ibinaba niya ang hawak na dyaryo. Napansin kong malalim ang mga mata niya. Parang walang tulog si Benjie. Hindi siya nakatulog dahil sa kagagawan ko.

“Kumusta ang pakiramdam mo?”

“I’m sorry, Benjie.”

Nagkasabay kaming magsalita. Dahil doon ay ilang segundong namagitan ang katahimikan sa amin. Huminga ako nang malalim at minabuti kong ako na ang magsalita.

“Gusto kong magpasalamat, kagabi. If it wasn’t for you, baka kung ano nang nangyari.”

Umiling siya. “I didn’t do it alone. Kasama ko si Sir Julius.”

“Mr. Ramirez? Was it him?” Napapikit ako dahil sa dagdag na kahihiyan. “Ano ba ‘to? Nakakahiya talaga.”

“Kumusta ka?” Tumayo si Benjie at kumuha ng baso na sinalinan niya ng mainit na tubig mula sa thermos. Pagkatapos ay nagtimpla ng gatas at ipinatong sa mesa sa tapat ko. “Drink that. Makakatulong yan para sa hangover.”

“You’re sleepless.”

“Don’t mind me.”

“I’m really sorry.”

Tumitig sa akin si Benjie. “Jerry, I just have some questions in mind. Kagabi pa, actually. Tinatanong ko nang paulit-ulit ang sarili ko pero alam kong ikaw lang ang makakasagot, but you may choose not to answer kung ayaw mo.”

Tumingin lang ako sa kanya. Hinayaan kong ituloy niya ang gusto niyang sabihin.

“Jerry, sino yung taong yun? Bakit mo siya kasama? At bakit niya ginawa iyon sa’yo?”

Nakakahiyang ikwento. Balikan ko pa lang sa isip ko ay parang natutunaw na ako sa kahihiyan. Pero si Benjie ang nilapitan ko. Siya ang inabala ko sa lahat ng ito. May karapatan siyang malaman. Ikinuwento ko ang lahat, maliban sa mga detalyeng may kinalaman sa pagiging intimate namin ni Michael. Ewan ko kung anong dahilan, pero may part sa akin na higit pa sa nahihiya kay Benjie kung bakit ayaw kong ikwento ang bagay na iyon.

“You could have been killed, Jerry.” sabi ni Benjie pagkatapos kong magkwento.

“I know. I’m sorry. I just tried the things I dared not to do before. I was just trying to be friendly.”

Two Roads - Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon