Part 2 - Chapter 11 (2 of 3)

1.2K 168 25
                                    

Jeruel

What if there’s more?
What if you could be happier?
What if there’s more, much more to life than this, than all of this?

Nasa first page pa lang ako ng librong 'What Might Have Been' ni Mr. Ramirez pero parang ang bigat bigat na agad sa dibdib. Hindi ako makatulog. Pinipilit kong libangin ang isip ko para sana dalawin ako ng antok kaya nagbasa basa muna ako pero hindi ko mapigilang bumalik sa isip ko yung mga sinabi ni Kenneth noong nagdaang hapon.

Lumabas ako ng kwarto at pupunta sana sa kusina para kumuha ng tubig nang makita kong bukas ang pinto sa sala. Dali dali kong tinungo iyon at nagulat ako nang makita ko si Benjie, nasa doorstep, nakatingin sa kawalan at naninigarilyo.

Bahagya akong napaatras at nagdalawang isip kung kakausapin ko ba siya o hindi na lang nang bigla siyang lumingon sa kinatatayuan ko. Wala na akong nagawa kundi lapitan siya.

“Can’t sleep?”

Itinapon niya sa lupa yung natitira pa niyang sigarilyo at ipinamulsa ang mga kamay. “I guess I’m not the only one.”

“I’ve been reading. Di ko namalayan ang time.” pagsisinungaling ko. “Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?”

Umiling siya, pagkatapos ay muling tumingin sa kawalan. “Too much going on lately. I’m just trying to mull things over.”

“I’m sorry kung nagdulot sa’yo ng stress yung pagpapapunta ko dito kina Kenneth at Andrew.”

“No.” mabilis na tugon ni Benjie. “I’d like to thank you kasi sobrang miss ko na rin sila, and if there’s one thing that I got out of that, eh yun yung idea na hindi masama ang loob sa akin ng mga kaibigan ko. Akala ko kasi talaga, ako yung sinisisi nila sa downfall ni Chino.”

“I wonder why you thought that way.”

Tumingin saglit sa akin si Benjie at pagkatapos ay tinungo ang duyan na nakapwesto sa gawing kanan ng bakuran. May dalawang swings na nakasuspend sa isang malaking bakal. Umupo siya sa isa sa mga iyon at ewan ko kung bakit, pero sumunod ako sa kanya at umupo ako sa isa pa.

“Jerry, if I may ask, bakit dinalaw mo ang puntod ni Chino?”

“Bakit? Masama ba?” pagdederail ko ng topic. Siguro ayokong tumbukin yung totoong intention ko kahit napaghandaan ko na ‘to dahil alam kong tatanungin niya ako.

“No. Hindi naman. Kaya lang, surely there must be a purpose.”

“I just felt the need to talk to him.”

Lumabi si Benjie. Shit. Wag ngayon Benjie. Tahimik at malungkot ang hangin ngayong gabi. At ang gwapo gwapo mo sa paningin ko. Baka makalimot ako.

Mahinang inugoy ni Benjie ang sariling duyan. “Jerry, I have a question.”

Hindi ako sumagot. Given na iyon na idudugtong na niya yung tanong niya may permiso ko man o wala. Isa pa, masyado nang malakas ang kabog ng dibdib ko.

“Have you ever wished you were 15 again?”

Oo. Maraming beses. Araw araw ng buhay ko. Pero hindi ko iyon sinabi kay Benjie. Ewan ko bakit hindi ko magawang magsalita. Hindi ko alam kung anong intensyon ni Benjie pero malinaw na malinaw sa akin na kinse anyos ako noong mga panahong napakaraming nangyari sa buhay ko. Lahat ng pinakamasasaya at pinakamalulungkot na alaala, nangyari noong fifteen years old ako. At alam namin pareho, na naging bahagi ng buhay ko si Benjie, minahal ko siya noong mga panahong iyon. Bakit kailangan niyang itanong ngayon sa akin ang bagay na iyan?

“Jerry, I keep on thinking about what you said in class that day.”

“Which one?” Sa wakas ay kumibo rin ako.

“Your philosophy. About you, not believing in second chances.”

Nagulat ako sa talas ng retention niya. Mahigit sampung taon na iyon. Naaalala pa rin niya.

“And I think I have to agree with you now. I mean, tama ka. When everything is said and done, we can only mend, apologize, forgive, make it up. But we can’t actually change anything. No matter how much we want to.”

Lumalalim na ang gabi at palalim na rin ng palalim si Benjie. Tama siya, may mga bagay na dahil nasabi o nagawa na, hindi na magagawang baguhin. Katulad na lamang ng itinanong ko sa kanya. Na sana hindi ko na lang ginawa.

“Why? What would you change if you could?”

Sandaling tumahimik si Benjie. Tumulala sa kawalan. Akala ko nga hindi na siya sasagot nang bigla siyang magsalita.

“Ewan ko. I don’t even know how I could change them. I just want to go back. Bumalik sa panahong OK pa ang lahat. You see, there’s nothing in the world I wouldn’t do kung mabubuhay lang ulit si Chino, si Lola. Pero alam mo Jerry, may isang bagay dito sa puso ko na kung babalik man ako sa lumipas na panahon, mas pipiliin kong wag nang maramdaman.”

Tumitig siya sa akin. Hindi ko alam kung nakailang beses nang gumalaw ang mga mata ko. Ang tindi ng kabog ng dibdib ko. Hindi pa man, nasasaktan na ako sa sinasabi ni Benjie.

“Sana Jerry, hindi na lang kita minahal.”

Parang isang malakas na malakas na sampal iyon na tumulig sa akin ng ilang minuto. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masasaktan ba, malulungkot, magagalit? Eh kahit alin sa mga iyon, wala naman akong karapatang maramdaman. Pero napakasakit. Abot hanggang langit ang sakit na naramdaman ko sa sinabing iyon ni Benjie.

Tumayo siya at mabagal na naglakad pabalik sa bahay. “I’ll go to sleep. Good night, Jerry.”

Ngayon alam ko na. Nanggaling na mismo kay Benjie. Kung ano man ang meron kami noon, hinding hindi na maaaring balikan. Tapos na. Wala na.

Two Roads - Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon