Part 2 - Chapter 28 (1 of 2)

1.1K 134 0
                                    

Jeruel

Lumapit sa akin si Ma’am Tere at isinabit sa leeg ko ang lei na humahalimuyak sa bango ng sampaguita. Ngumiti siya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. “I’m so glad that you made it, Dr. Santillan. It’s a great honor for St. John King Academy to have you today.”

Ngumiti ako. “Please call me Jeruel. I’m still your student. I’ll always be.”

“Come, malapit nang magsimula ang program.” Muli siyang ngumiti at itinuro sa akin at mahabang mesa na nilagyan ng magarbong dekorasyon at ipinuwesto sa gitna ng stage. May iilang mga upuang inilaan para sa mga panauhin. Umupo si Ma’am Tere sa isa sa mga iyon at umupo ako sa tabi niya. Nabasa ko ang isa sa mga tatsulok na papel na nakapatong sa mesa.

Dr. Jeruel James D. Santillan
Guest Speaker

Ilang saglit pa’y tumugtog na ang graduation march. Grabe. Iba sa pakiramdam. Ilang beses nang naging bahagi ng buhay at tagumpay ko ang tugtog na iyon ngunit laging may kakaibang pakiramdam. Para akong inihehele sa hangin at laging gustong mangilid ang mababaw kong mga luha sa aking mga mata. Bagamat tumugtog rin iyon noong gumraduate ako ng college, at noong graduation ko sa masteral pati na rin sa doctorate, nanunumbalik pa rin sa akin ang pakiramdam ko, labing-isang taon na ang nakakaraan – noong gumraduate ako sa high school, sa parehong lugar na kinaroroonan ko ngayon.

Nagsalita na ang emcee at ipinresent na ang mga magsisipagtapos. Hindi naubusan ng topic si Ma’am Tere at maya’t maya ang tanong sa akin kung kaya hindi ko namalayan ang pagpapatuloy ng programa hanggang sa tawagin siya ng emcee upang ipakilala ang magiging tagapagsalita para sa gabing iyon.

Tumayo si Ma’am at lumapit sa microphone. “Good evening ladies and gentlemen. It is indeed a great honor for me to present our guest speaker for tonight. When he called last week to confirm the he will come and be our guest speaker, we tried to get information so we could introduce him properly. However, being a great man as he is, he wanted me to just say his name and that’s all. Fortunately, he taught in this school so we still have his records and we also got help from those two gentlemen who are also here with us tonight, both alumni of St. John King Academy, Mr. Paul John Alejandro, batch 2003’s salutatorian, and Mr. Benjamin Arevalo, batch 2003’s third honorable mention.”

Itinuro ni Ma’am Tere ang kinaroroonan ng dalawa at nagpalakpakan ang mga tao. Nakatayo sila Paul at Benjie sa bandang likuran ng mga nakahanay na upuan. Napapikit na lang ako. Hindi ako nagtagumpay sa gusto kong huwag nang banggitin ang mga achievements ko sa pagpapakilala sa akin. Dahil sa dalawang ito, tiyak na maiimpress ko na naman ang mga tao kahit hindi talaga iyon ang gusto kong mangyari.

“So here goes, our guest speaker for tonight was also an alumnus of St. John King Academy. He studied in this school from 1999 to 2003. He was one of the brightest students SJKA has ever had. He was a consistent Rank 1 student from first year to third year, he became a leader of almost all the student organizations in the school. He even bagged the title Mr. PSA 2002 and in 2003, he graduated valedictorian. He took his tertiary education at Castillejos State University with the degree Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English. He graduated Summa Cum Laude in 2007 with a QPA of 1.18. He took the LET or the Licensure Examination for Teachers in the same year which he passed and not only that, he obtained a rating of 94.8% which made him the topnotcher. He applied for a teaching position at SJKA where he became an English teacher for high school for three years, at the same time taking his units for Master of Arts in Education at Philippine Normal University. After a while, he transferred to a public high school for professional growth. He acquired his Master’s Degree in 2010 and he pursued his higher education also at PNU and he obtained the title Doctor of Philosophy in 2013. Ladies and gentlemen, please join me in welcoming our handsome guest speaker for tonight, my great, great student, Dr. Jeruel James Diaz Santillan. A warm round of applause please.”

Tumayo ako at nagtayuan din ang mga estudyante at ibang manonood habang pumapalakpak. Lumapit ako kay Ma’am Tere na nakaabang upang kamayan ko. Ngumiti ako sa kanya at bumulong. “Thank you Ma’am. That was a bit too much.”

Hindi na siya nakasagot dahil tumapat na ako sa microphone. Bumalik na si Ma’am sa upuan at ako nama’y humarap na sa may karamihan ding tao. Pagkatapos ng lahat, nakakaramdam pa rin ako ng kaba. Sa totoo lang, hindi ako naghanda ng sasabihin, tulad ng mga ginawa kong speech sa nakaraan. May isang bagay lang na nasa isip ko at muli, gagawin ko.

“Thank you. You may take your seats.” Nanahimik ang ugong ng palakpakan at nagsiupo na ang lahat.

Muli kong iginala ang paningin ko sa buong lugar bago muling nagsalita. “To our dear school directress, Mrs. Teresita Martinez,” Lumingon ako kay Ma’am at ngumiti. Ngiti rin ang itinugon niya sa akin. “to our hardworking faculty and staff, proud parents, visitors, and of course, our graduates, good evening.”

“Good evening.” bati naman nila pabalik. This is it. Kabisado ko pa ang tula. Kaya ko ito.

Two Roads - Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon