Part 2 - Chapter 9 (2 of 2)

1.1K 149 9
                                    

Jeruel

"Diyan lang sa tabi, Paul."

Nagoffer si Paul na ihatid ako hanggang sa bahay ni Benjie, na tinanggihan ko noong una pero pumayag na rin ako dahil mapilit siya, at inisip ko baka gusto rin niyang kausapin si Benjie, bagamat di ako sigurado na may Benjie kaming aabutan doon.

"Good luck, Jeruel. Ikumusta mo na lang ako kay Benjamin."

"Di ka na tutuloy?"

"No need. Wala rin naman kaming paguusapan ni Benjamin if ever."

"Oh, OK. Ingat ka ha? And thank you. Regards na lang sa asawa at mga anak mo." Bubuksan ko na sana yung pinto ng taxi nang may bigla akong naalala.

"Paul, I have a question."

"Ano yun?"

"Yung... yung tungkol sa amin ni Benjie," atubili ko pang simula. "If you knew even then, bakit hindi mo ipinagkalat? I mean, it could have ruined me. It could have been a scandal, enough para masira yung track ko sa studies. You see, it could have been your advantage."

Umiling si Paul. Halatang nagulat siya na itinanong ko yun sa kanya, pero hindi lingid sa akin na hindi bago sa kanya yung idea. Matalino si Paul. At sa pagkakakilala ko sa kanya, lahat gagawin niya, matalo lang ako noong high school.

"You know what, Jeruel? I was tempted, actually. Desperate times back then. Halos hindi na ko natulog noon dahil sa kakaaral. Natalo kita ng third quarter kaya naman mas lalo akong pinressure ng parents ko. Pero bakit hindi ko ginawa? Kasi kahit ano pang mangyari, hindi mabubura ang katotohanan na mas magaling ka kaysa sa akin. Mas pipiliin ko pang ibribe ng parents ko ang school kaysa saktan ka at ipahiya para lang makuha ko ang valedictory position. I meant it when I said I've always wanted to be your friend. Do you think magagawa kong makipagusap sa'yo ng ganito ngayon kung ginawa ko yun noon? I doubt it. Baka sampung taon na kong tinotorture ng konsensya ko kung nagkataon."

Hindi ko napigilan ang luhang umagos sa pisngi ko. Hindi ako nakapagsalita maliban sa maikling "Thank you Paul." Hindi ko akalain na ganoon pala siya kabuting tao. Na sa kabila ng pressure na dulot ng sitwasyon, mas pinili pa rin niyang maging mabuting tao.

Ngumiti siya sabay iling. "You would have done the same thing. That's a mark of an intelligent person. I just want you to promise me one thing, though."

Dahil panay ang punas ko sa luha ko ay hindi ako nakasagot pero tumango ako para ituloy ni Paul yung sasabihin niya.

“Do whatever it takes to be happy. To be happier than what you are right now."

Kumunot ang noo ko. Ano na naman tong sinasabi ni Paul?

"I know Jeruel. Gaya ng sabi ko, yung radiance na meron ka noon, hindi ko na nakikita o nararamdaman sa'yo ngayon. Do whatever it takes to be happy. Kasi sayang naman ang lahat ng pinaghirapan mo, lahat ng nakamit mo, kung sa huli hindi ka rin magiging masaya. Sana, sa susunod na pagkikita natin, you are radiating again."

Tinanaw ko sandali ang papalayong taxi bago ako pumasok sa gate. Sa pinto pa lang ng bahay ni Benjie ay narinig ko nang may tumutugtog sa loob. Hindi yata pumasok sa trabaho si Benjie. Tamang tama. Maikukwento ko yung pagkikita namin ni Paul.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay tila wala namang senyales na may ibang tao dahil tahimik na tahimik, maliban sa tugtog ng gitara.

"Benjie? You here?"

Walang sumagot. Nilibot ko ang buong bahay, mula sa sala, sa kusina, kwarto ko, kwarto ni JB, maging ang kwarto ni Benjie na nakapagtataka dahil iniiwan niyang hindi nakakandado. Sino kaya yung tumutugtog ng gitara? Bumalik ako sa sala at napailing na lang ako nang marealize kong DVD player lang pala yung tumutugtog. Mukhang naiwan lang ni Benjie at hindi nagawang i-off bago umalis. Umupo ako sa couch at yun nga, sa center table ay naroon yung album cover. Guitar instrumentals lang pala talaga lahat at naka-on yung repeat sa DVD player kaya kahit ilang oras na ang lumipas ay tumutugtog pa rin.

Hindi ko na itinigil iyon. Tutal, nakakarelax din naman pakinggan. Kasabay nun, bumalik sa isip ko ang lahat. Hindi nga lang ganoon kaayos, pero lahat. Ako, ang tagumpay ko, ang mga kakulangan na hinahanap hanap ko, ang pamilya ko, si Benjie, yung mga sinabi ni Paul  - lahat. Kung sana pwedeng bumalik sa panahong simple lang ang lahat ng bagay.

Kung pwede lang sana.

Two Roads - Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon