1

54 2 2
                                    

Pero dad. Ayokong maikasal sa taong hindi ko naman kilala. Atsaka, uso pa ba ngayon yang fixed marriage na yan?

Naiinis kong tugon kay daddy nung kumakain kami ng breakfast sa bahay.

Anak, kung pwede ko lang naman iurong yung kasunduan namin ng tito Charles mo eh, gagawin ko, pero, our company can't stand alone yet. At siya lang ang makakatulong sa atin.

Pagkukumbinsi sa akin ni daddy. Naiiyak na ako dito eh. Sino ba naman ang may gusto na maitali habang buhay sa taong hindi mo naman kilala, and much worse sa taong hindi mo naman mahal.? Wala diba? Bakit hindi nalang niya maintindihan yun?

I have to go dad. May trabaho pa'ko.

I feel guilty for being rude at dad. Pero talagang masama ang loob ko. Ang aga aga pa kasi at yun na agad ang binungad niyang pag uusapan namin.

Habang nasa loob ako ng taxi, hindi ko na talaga mapigilang lumuha. Lalo na't naaalala ko lahat ng alaala namin ni daddy.

Simula pagkabata ko, close na close na ako kay daddy. Siya kasi yung palaging kasama ko sa bahay nung mga panahong nangibang bansa ang mommy ko sa Korea para magtrabaho. Hindi naman kasi kami mayaman dati.

Back then kailangan pang magtrabaho ni mommy sa ibang bansa para mapag aral kaming dalawa ng Kuya Francis, nakakatanda kong kapatid, na isa nang lawyer ngayon. Pero simula nung na big shot si daddy sa networking business, nagbago na lahat sa buhay ko.

Lumipat kami ng subdivision sa Manila, napag aral kaming magkapatid sa isang pribadong eskwelahan, at napauwi na ni daddy si mommy dito sa Pilipinas kaya magkakasama na kami ulit.

It was a blessing na habang buhay kong itatanaw na utang na loob ko sa Diyos. Pero sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, minsan, iniisip ko, sana hindi nalang kami yumaman.

Seoul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon