8

18 0 0
                                    


(GIAN'S POV)

I'm telling you bro, maganda siya at mabait. At may sense of humor.
Akalain mo, I travelled pa around the world just to find my perfect match, pero in the end, isang Pilipina lang rin pala ang magugustuhan ko..

"I know kuya. Pero malay mo, if u weren't there , hindi kayo nagkakilala. If that's what u call destiny? Then, im happy for you."


Thanks bro. Eh ikaw ba dyan, may napupusuan ka na ba?


Nako kuya. Matagal na akong may napupusuan. Pero hindi na naman na importante yun..


Wag mong sabihing yung Dee parin?


Hehe. Cge na kuya, may trabaho pa ako. Bye.

Tignan mo tong batang to. Laging iniiwas yung topic kapag siya na ang punag uusapan. Daya talaga.


DI bale, basta ako,

Hindi maalis sa isip ko ang lakad namin ni Nelle kahapon. Akalain mong ang lakas kumain ng maaanghang nun. Natutuwa talaga ako sa kanya. Dinala ko siya sa magagandang gardens ng Korea, at grabe ang tuwa niya talaga. Napaka carefree niya, at ang pinaka nagustuhan ko talaga sa kanya ay napaka natural niya. Yung klase ng babae na proud e share yung insecurities niya.  At hindi nahihiyang ipakita kung ano talaga siya.

At kahit kakakilala pa lang namin kahapon, ang gaan2 na ng pakiramdam namin sa isa't isa. Para bang ang tagal na naming magkakilala..

At mamaya ulit, gagala ulit kami. Hindi niya raw kasi dala yung camera niya kahapon kaya gusto niya ulit maggala at magkuha ng mga litrato.

-----
Hi Gian!

Sinundo ko siya sa apartment niya. Ang ganda niya talaga. Kahit naka jeans lang siya at naka long sleeves, ang lakas pa rin ng dating niya sa akin.

Hello. Tara? Lunch muna tayo.

O cge. Haha. Di ako aayaw dyan. Kanina pa nga ako gutom eh.

Ang takaw talaga. Haha. pero ang cute.

Habang kumakain kami usap lang kami ng usap tungkol sa buhay namin. Kung paano sila naghirap dati at biglang umasenso sa buhay. Kung gaano siya kalapit sa kuya at papa niya. At kung gaano niya ka love yung trabaho niya..

Kaya naman pala napaka simple ng babaeng to, laking mahirap pala. At napaka humble pa.

Kinwento ko rin sa kanya yung buhay ko. Na may nakababata akong kapatid at may masakitin na mommy.

Yun si Xavier, siya ang sumunod sa yapak ng daddy ko. Ako sana ang gusto ni daddy na mag manage ng business niya, pero hindi ko talaga passion yun eh. Buti nalang andun si Xavier, niligtas niya ako sa habang buhay na pagkabilanggo sa bagay na hindi ko naman gusto.

Parang na awkward si Nelle sa topic, di ko alam bakit. KAya nag change topic ako.

We catched up on each other's memories kaya tuloy parang kilalang kilala ko na talaga siya.

Pero Nelle, ang saya naman pala ng buhay mo dun sa Pilipinas, bakit ka pumunta dito?

Tanong ko sa kanya. Napatingin siya ng seryoso sakin at tumikhim.

Gusto ko kasing mas magsaya pa.

Kung sabagay, pareho na tayong 23, pareho narin ata nating kailangang mag enjoy sa buhay.

Ngumusi lang siya ng tipid tapos tumayo..

Tara. Sa dagat tayo.

Buong hapon kaming magkasama ni Nelle. At lahat ng lugar na pinuntahan namin ay kinukunan niya ng litrato. Pinakita niya sa akin ang mga kuha niya, di maipagkakaila na Photo Journalist talaga siya, dahil ang gaganda ng mga kuha niya.

Nelle, bukas dadalhin kita sa studio na pinagtatrabahuan ko. Gusto ko marinig mo ang mga kanta ko.

Oo ba. Masaya yan.

At natapos ang araw na yun na masaya.

Seoul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon