4

21 1 0
                                    


Bakit ganun kuya? Nag iba na talaga si daddy. Hindi naman sia ganito dati ah. Dati kahit simple lang ang buhay natin kaya naman nating kumain ng masaya, pero ngayon, parang halos araw araw, lagi niya nalang akong sinusungitan. At sa ginagawa niyang fixed marriage sa akin, pakiramdam ko binebenta niya ko ng dahil dyan sa lintek na negosyo na yan.

Pag iyak ko kay kuya. Sa panahong ganito, si kuya lang talaga ang maaasahan ko. Kaya labs na labs ko siya eh.

Nelle, alam naman natin pareho na ginagawa lang ni dad ang lahat para sa pamilyang to diba.

Pero bakit parang sobra sobra naman ata ang hinihingi niyang kapalit kuya? Dapat ba na ako ang ipambayad niya ? Kuya, masakit para sa akin to. Buong buhay ko, wala akong ibang pinahalagahan kundi ang pamilyang to, at kahit kailan hindi ko inaasahan na mangyayari to. Sana... Sana hindi nalang.....

Talagang naiiyak na ako. Pinat ni kuya yung ulo ko at sinabing

Di bale. Susubukan ko siyang kausapin.

Niyakap ko si kuya at nagpasalamat. Dahil kahit kailan, hindi siya nagbago, at kahit kailan hindi niya ako pinabayaan.

----

Bigla akong nagising sa aking tulog kaya bumaba ako papuntang kusina at uminom ng tubig. Nang mahagip ng mata ko ang terrace, nakita ko si daddy dun. Nakatayo sa labas, may kausap ata sa telepono, lumapit ako para mas marinig ko pa ang pinag uusapan nila, at sa pakikinig ko na iyon, naramdaman ko muli ang pagtulo ng aking mga luha..

Seoul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon