(GIAN'S POV)haaay bro. In love na nga ata ako.
Kuya naman, parang kiss lang? Syempre babawi yun kahit papano, mahal kaya ng regalo mo. Inutang mo pa sa akin. HahHa
Babayaran naman kita eh.
Oo na, kahit hindi na nga eh
. Hahaha. pero di nga kuya, sana mas mauna mo pang mapakilala sa amin yang babae mo ha..Anong mas mauna?
May babaeng nang nakatakda sa akin kuya..
Ha? sino?
Si Dee..
Talaga? Edi magandang balita pala yan eh.
Hahaha. oo nga kuya eh. Hehehe..
Ano kaya kung umamin na ako na gusto ko siya bro?
Teka, parang ang bilis naman kuya.
Eh, baka hindi ko na malihim pa to sa sarili ko lang eh. Mahal ko na ata talaga.
Kuya, wag na muna. Baka layuan ka nun sa biglaan mong pag amin. Kaya mo bang mawala friendship nyo?
Kung sabagay, oh.cge. Slamat bro ah. Congrats pala. Bukas nalang ulit.
Goodnight.-----
Haaay Nelle. Ikaw na nga siguro talaga..
-------
Gian! Libre mo kong ice cream plssss.
Ang takaw mo talaga eh, parang kanina lang umiinom ka pa ng bubble tea, ngayon ice cream naman?
Eeeeeh. cge naaa.
Oo na.
Mahilig talaga sa chocolates tong si Nelle.
Papunta kaming apartment niya ngayon, plano naming mag movie marathon ng mga movies ni Bea at John Lloyd, Namiss daw niya eh. corny nga eh pero Yaan na. Ahahaha.
Kapag movies, asahan mo talagang, mauubos talaga niya ang 2 gallons ng chocolate ice cream.
-----
Nasa ika 5 movie na kami at si Nelle? Eto sa tabi ko, tulog na, 12 am nadin kasi. At tyming pa na ang movie ay tungkol sa mag bestfriends. Closer You and I ata ang title neto.
Kinumutan ko na si Nelle at niligpit ko na ang mga kalat namin. Kiniss ko siya sa noo at bumulong,
Mahal kita Nelle. Sana sa pag amin ko sayo bukas, walang magbabago sa ating dalawa.
BINABASA MO ANG
Seoul Mate
Teen Fiction"Love is not always about how much you are willing to fight for, sometimes it is measured by how much you are willing to sacrifice."