(NELLE'S POV)
Nasa studio kami ni Gian. May pinarinig siyang mga kanta sa akin. At manghang mangha ako dahil ang galing niyang kumanta at ang galing niya pang magsulat ng lyrics. Di nga ako makapaniwala na siya talaga may gawa nun eh.
Diba? Ang galing ko.
Hahaha. Oo na, namangha na ako. Haha. Salamat sa pagdala sa akin dito Gian ha.
Oo naman, basta ikaw.
Lumipas pa ang mga buwan at mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin ni Gian. Siguro, aside kay papa at kuya, siya ang pangatlo sa listahan ng pinaka importanteng lalake sa buhay ko.
Pero parang habang tumatagal ang pagsasama namin parang unti unti ko na siyang nagugustuhan. Pero pinipigilan kong lumalim pa ito ng husto dahil may fiance na nga ako diba. At wala siyang alam tungkol dito.
Alam ko nman na panandaliang kaligayahan lang ito. At kahit kailan, hindi kami maaaring magkaroon ng happily ever after. At kung sakaling maiiwan ko man siya ditong nasasaktan ng dahil sa akin, sana sa susunod namin na pagkikita, kaya niya pa akong patawarin.
Patawarin mo ako Gian sa magagawa ko.
----
Cge. Kita nalang tayo mamaya Gian.
Kakatawag ko lang kay Gian, icecelebrate namin ang 6 months friendship anniversary namin. At kakain kami sa labas. Libre ko.
Nagkita kami sa isang Pinoy na restaurant. Ang saya nga niya eh, ito daw ulit ang 1st time for the last two years na makakakain ulit siya ng lutong pinoy. Hindi niya kasi alam ang tungkol sa restau na to.
Ang galing mo talaga Nelle. Parang 6 na buwan ka pa lang dito pero mas may alam ka na sa mga lugar dito.
Syempre no. Matalino kaya ako.
Hahaha. Sino sabi? Mama mo no?
Sama mo.
Hahaha. Cute mo talaga eh. Cge na order na tayo...
-------
Busog na busog talaga ako Nelle, salamat haa..
Syempre, basta ikaw.
Habang nagalakad kami ppunta sa kotse ni Gian, huminto siya saglit sa paglalakad. Nilingon ko siya para tawagin pero nabigla nalang ako ng may bigla siyang isinabit sa leeg ko.
Isang white gold na necklace na may pendant na Wishing bone.
Ano naman to?
Tanong ko.
Happy Monthsary... hahaha
Para naman tayong magsyota nito ehh. hahaha. pero mahal to ah, hindi mo na dapat pa to binili para sa akin.
For one year na yan na gift no. Hahaha. Sa susunod na taon na kita bibilhan ulit. hahahaha
Sama. Pero wala akong regalo sa yo eh.
Ok lang. wala sakin yun..
Hinalikan ko si Gian sa cheeks. Nabigla siya.
Happy Monthsary ... of friendship G.
BINABASA MO ANG
Seoul Mate
Teen Fiction"Love is not always about how much you are willing to fight for, sometimes it is measured by how much you are willing to sacrifice."