Anak? Sigurado ka ba talaga dito? Hindi mo na naman dapat pang gawin to eh.Pagkukumbinse sa akin ni mommy.
Ma, para to kay dad. At mahal na mahal ko si daddy. Kahit minsan nasasaktan ako sa mga naging desisyon niya, pero mahal na mahal ko parin ang daddy ko.
Niyakap ako ni mommy at hinalikan sa noo. At umalis na siya sa silid ko.
Nagbago lang ang pagtingin ko sa sitwasyon ko ngayon simula nang marinig kong nag usap sa telepono si daddy at yung Tito Charles ba yun? Narinig ko at nakita ko kung gaano naguguluhan si daddy kung aling desisyon ang pipiliin niya. At mas naramdaman ko ang hinagpis niya nang makita ko siyang lumuha.
Napag isipan ko nun na siguro maliit na bagay lang ito para masuklian ko naman ang kabutihan ni daddy para sa akin. Kaya, napagdesisyunan ko nang pumayag. Sabagay, matututunan ko naman sigurong mahalin yung magiging asawa ko pagdating ng panahon diba.
Tinignan ko ulit yung plane ticket ko, bukas na ang alis ko. Tinulungan ako ni mommy na mag impake kanina. Settled na, kompleto na lahat ng mga gamit ko,
kailangan ko nalang buuin ang sarili ko. At ienjoy ang natitira kong isang taon ng pagiging malaya at masaya.
----
Tinawag na yung flight namin at kailangan ko nang pumasok sa loob.
Talagang alagaan mo ang sarili mo anak ha. Mag iingat ka dun.
Opo ma. Kaya ko na po ang sarili ko.
Mamimiss ka namin Nelle.
Ako rin kuya.
Nagyakapan kaming lahat, at syempre niyakap ko pa ng mas matagal si dad.
I love you dad. Thank you for everything.
Patawarin mo ako anak.
Dad, desisyon ko ito. At isa pa, ayokong isuko mo ang matagal mo nang pangarap ng dahil lang sa akin...
Anak....
Cge dad, alis na ako.
Pagpapaalam ko sa kanila bago pa ako tuluyang maiyak ulit..
Humigpit ang yakap ni dad sa akin at pagkatapos ay umalis na ako dun sa waiting area.
Lumingon akong muli sa pamilya ko at sinabing Gagawin ko lahat para sa pamilyang to.
And I bid them one last wave goodbye.
![](https://img.wattpad.com/cover/30368398-288-k954346.jpg)
BINABASA MO ANG
Seoul Mate
Teen Fiction"Love is not always about how much you are willing to fight for, sometimes it is measured by how much you are willing to sacrifice."