7

22 0 0
                                    

(GIAN'S POV)

Bro, ano? Kamusta? Sina mommy ba?

Okay lang sila kuya. Mabuti na ang pakiramdam ni mommy ngayon. Eh ikaw ba kailan ka uuwi?

Di ko alam eh. Basta, tatawag nalang ako ulit.

O sige kuya, may trabaho pa ko. Ingat ka dyan.

Ikaw din.

Nakababatang kapatid ko na si Xavier yun. 2 years ang gap namin pero napaka close namin nun. Halos lahat ata ng nangyari at nangyayari sa buhay ko alam niya kahit na ilang dagat ang layo namin ngayon.

Nandito kasi ako sa Korea, at hilig ko ang paggawa ng musika. Hindi naman ganun kalaki ang naisasahod sa akin sa trabaho ko, hindi katulad ng sa kapatid ko na nagtatrabaho bilang businessman, pero mas gusto ko ang buhay ko dito kasi nagagawa ko lahat ng gusto ko.

Mayaman naman ang pamilya ko kaso ayoko nang pinepressure. Ayokong napipilitan sa mga bagay na ayaw ko. Kaya swerte ko nlang at may kapatid akong gustong mamahala nung negosyo namin.

Habang nagmamaneho ako papuntang studio, may nakita akong Pinay na naglalakad sa sidewalk. Pinark ko yung kotse ko at bumaba ko.

Hi. Pinay ka no?

Hello. Ah, oo.

Anong ginagawa mo dito? I mean, minsan lang ako nakakakita ng Pinay na turista kasi dito kaya naisipan kong e approach ka.

Ahh, ganun ba? Kakarating ko lang rin kahapon. Naglakad-lakad lang ako dito malapit sa apartment ko para malaman ko ang mga kalye dito.

Ganun ba? Gusto mo ba ng tour guide? Actually, 2 years narin ako dito sa Korea, kaya maalam na rin ako sa lugar na to.

Hahaha. Damoves ka rin no? Pero di bale, di nman kita type kaya tara. Tour mo'ko.

Aba't tong babaeng to. Nauna pang pumasok sa kotse ko. Haha. Pero parang masaya tong kasama. Gusto ko siyang maging kaibigan..

Maliban sa honest siya at prangka, maganda siya kahit simple lang siya kung mag ayos.

Gian nga pala. Gian Alvarez..

I held my hand for a shake.

Nelle, Daniella Chavez..

It's nice to meet you Nelle.

Seoul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon