3

30 1 0
                                    


Hello? Ma?
Ano? Dinner?
O-opo, uuwi ako.
Okay po.

Haaaay. Im sure kukumbinsihin na naman ako ni daddy neto mamaya. At talagang si mommy pa ang ginawa niyang paon eh.

Nung makauwi ako sa bahay, agad akong sinalubong ni Kuya ng mahigpit na yakap.

Namiss ko tong mga taba mo ah..

Hinampas ko siya at sinabing,
Talagang namiss mo kasi wala na silang lahat oh. hahaha.


Oo nga naman, siguro pumayat ka dahil na stress ka kay daddy nu?

That was supposed to be a joke, pero ewan ko lang at bakit hindi ko nagawang matawa. Instead tumingin ako sa dereksyon ni dad na nagbabasa ng newspaper sa sofa at nag antay ng magiging reaction niya. Pero hindi siya nag react.

Kakain na tayo.

Pagyaya ni mommy sa amin. Kaya dumeretso na kaming lahat sa kusina.

Habang kumakain, kami lang 3 nina mommy at kuya ang tawa ng tawa. Hindi nakikisali si dad. Minsan pinapansin siya nina mommy at kuya pero tipid lang ang mga sagot niya.

Pero nabasag ang kaingayan namin ng bigla akong tinawag ni dad.

Nelle.

Oh no.

Dad?

Talagang kinakabahan ako. Ano na naman ba to?

I would like you to meet Mike tomorrow.

Who's he dad?

Your fiance.

Dammit.

Babalik na naman ba tayo sa usapang yan dad? Diba sabi ko, ayok----

Hindi pa ako natapos magsalita nang tinaasan ako bigla ng boses ni daddy.

Sa ayaw at sa gusto mo, gagawin mo ang iniuutos ko. Kahit anak kita, ako parin ang masusunod sa pamamahay nato.!

Galit na nga talaga si daddy.

At kasabay ng pag wa-walk out niya ay ang pagtulo ng mga luha ko ng hindi ko namamalayan.

Seoul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon