5

19 1 0
                                    

Kinabukasan, naging mas maaliwalas na ang aura ni daddy. Sabay ulit kaming lahat nag breakfast.

Halika na Nelle, si daddy nagluto nito. Yung paborito mong paksiw na isda at scrambled eggs.

Pag start ng mood ni kuya.

Umupo na ako sa tabi ni kuya at tumikim ng paksiw.

Lasang na miss ko dad.


Hindi ko na ulit napigilan at naiyak ulit ako.

Tumayo si daddy at lumapit sa akin. Lumuhod siya habang hinahawakan yung mga kamay ko.

Anak, patawarin mo ako. Hindi ko naman talaga intensyon na maramdaman mong ipinagpapalit kita sa negosyo ko. Pero,

Alam ko dad. Naiintindihan ko. Di bale, papayag na ako.

Naramdaman ko na nagulat sina kuya at mommy sa desisyon ko.

Under one condition.

pagpapatuloy ko.

Payagan mo'kong maging malaya kahit isang taon lang. Pagkatapos nun, babalik ako. At tutuparin ko na ang kasunduang to.

(Daddy Dominic's POV)

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi ni Nelle. Plano ko na sanang e.close nalang yung deal, at isakripisyo yung negosyo namin, pero kahit anong gawin kong insist kay Nelle, desidido na talaga siya.

Sana naman hindi ito ang paraan ng anak ko na gumanti sa akin. Dahil kapag nakikita ko siyang hindi masaya, mas labis akong nasasaktan.

Dalawa kasi kami ni Charles na pumasok sa negosyong to. At kinailangan naming magkasiguraduhan sa negosyong to dahil syempre, sa networking ko lang siya nakilala.  At ito ang unang beses naming magtayo ng sarili na naming negosyo, matapos ang 6 years of saving sa networking company.

At wala naman kaming alam na ibang paraan para ma sealed ang deal namin kaya pumayag ako sa proposal niya na ikasal ang mga anak namin. At dahil parehas na lalaki ang mga anak niya, kinailangan na ang babae yung sa akin.

Pero kahit e cut off ko naman yung deal, malamang hindi na matutuloy yung negosyo namin ni Charles, at ayokong mangyari yun. Pero kagabi, naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Nelle simula nang marinig ko sila ng kuya niya na nag uusap.

Naaawa ako sa anak ko, napakawalang kwenta kong ama. Kaya napagdesisyunan kong umatras nalang sa negosyo, pero kinabukasan, biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Pumayag na si Nelle, at ngayon wala na akong magawa para pigilan pa siya..

Seoul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon