Dear Nelle,
Ito na nga siguro ang huling mensahe na maibibigay ko sa'yo. Sa totoo lang, i've been staring at these pages for the past 6 months, at ngayon ko lang napag isipan ng mabuti kung anong kaya kong sabihin sa sulat na ito. Ang sakitsakit Nelle. Pero naiintindihan ko na ngayon, na ikakasal ka na. Sa kapatid ko. Kung hindi cguro ako umayaw sa deal ni papa na ako ang magmana ng negosyo nya, sana ako ang ikakasal sa'yo ngayon. Andami kong regrets sa buhay, at ito ang pinaka pinagsisisihan ko, dahil bukas makalawa, magiging opisyal na Mrs. Alvarez ka na. Apilido ko. Pero hindi ka mapapasaakin. Sana noon pa nalaman ko na darating ka. Andaming "sana" . Kaso huli na ang lahat. Nang matanggap ko ang wedding invitation mo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya it took me 6 months to finally compose this letter. Sana ako nalang. Pero mahal na mahal ka ng kapatid ko. At hindi ko kayang ipagpalit ang kaligayahan ko sa sarili kong kapatid. Siguro ito ang dapat. Siguro ito ang dapat mangyari. Mahal na mahal kita Nelle. Hindi mo man ako nakikita, wag mong kakalimutan na palagi akong maghihintay para sayo. Para sa panahong pwede na maging tayo. We may be , in our next lives, just know that i'll always be there, waiting.
-G
BINABASA MO ANG
Seoul Mate
Teen Fiction"Love is not always about how much you are willing to fight for, sometimes it is measured by how much you are willing to sacrifice."