Bro, its been one year. Siguro naman tama na ang panahon para umamin ako diba?
Go bro . Supportado kita all the way.
Kaya ko to. Cge bro. Maghahanda na ako.
Nagset ako ng dinner for two sa isang garden, matagal ko nang pinag ipunan to, dahil matagal ko nang pinlano ito.
Tinext ko si Nelle kanina na hindi ko siya masasabayan mag lunch dahil busy ako. Hahaha.
7 pm ang dinner namin. At 6:30 na. Nandito na ako sa venue dahil nag last minute check pa ako sa fireworks display, food, setting, at music.
Nung nag 7 pm na hindi parin dumadating si Nelle. Kaya tinawagan ko siya. Pero hindi siya sumasagot.
7:30
8:04
9:00
10:00 pm.
Sir? it looks like your date won't come anymore. And it's getting late. Would it be okay if we go on ahead?
(In korean language po yan, kaso di ako marunong. imagine nalang natin hihi)
Tinignan ko ulit yung relo ko at parang hindi na nga talaga dadating si Nelle.
Oh. okay. Im sorry for the trouble. Here's your share..
Tinignan ko ang buong garden, sayang hindi ka nakarating Nelle. Nasan ka ba kasi?
Sa pag iisip ko, bigla akong kinabahan, baka may masamang nangyari kay Nelle.
Agad kong pinaharurot yung kotse ko sa apartment niya pero nabigla na lang ako ng wala na akong makitang mga gamit niya don. Hinanap ko siya. Naiiyak na talaga ako. Tinatawagan ko siya pero hindi talaga siya sumasagot.
2:14 na nang madaling araw nang makauwi na ako sa apartment ko, sumuko na ako sa kahahanap kay Nelle dahil hindi ko na talaga siya makita.
Pero may nakita akong regalo sa bed ko,
isa itong scrap book.
Mga litrato ko, simula nung unang beses kaming nagkakilala hanggang sa huling beses naming magkasama.
Naiiyak ako sa mga litratong to, hindi ko alam kung bakit, pero mas naiyak ako nang mabasa ko ang nasa huling pahina ng scrap book, isang litrato ko, na naghihintay dun sa venue kagabi.
Pumunta siya?
"Im sorry Gian. Mahal na mahal din kita, pero hindi tayo pwede. I will forever miss you."
-N
At sa ilalim ng regalo, ay isang envelope. Binuksan ko ito at nakita ko ang Wishing Bone Necklace at isang invitation card.
You are cordially invited to
Daniella Chavez & Xavier Michael Alvarez's Wedding.
-end
BINABASA MO ANG
Seoul Mate
Teen Fiction"Love is not always about how much you are willing to fight for, sometimes it is measured by how much you are willing to sacrifice."