2

32 1 0
                                    

Nelle! My god. Bat ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni boss..

Bungad agad sa akin ni Jasmine na bestfriend slash workmate for life ko.

BV kay dad eh. Sige punta lang ako kay sir.

Nagpaalam ako at agad dumeretso sa office ng boss namin. Galit na galit yung expression ng mukha niya nung pagpasok ko. Pero inunahan ko na siyang magsalita para hindi ma bad shot sa araw na to.

Ep! Boss, wag kang ma BV, 10 mins lang naman akong na late. Pero wag kang mag alala, naihanda ko na ang articles at pictures na ipepresent ko sayo. If you want, I can show it to you right here right now.

Nakangisi ko pang explanation sa kanya.

Narinig ko siyang nagbuntung hininga.

At lumingon siya ulit sa akin.

Okay. But I expect this to be the last time that you'll come in late.

Yes boss!

***

Oh? Ano? Settled na ba yung report mo? Ikaw kasi eh. Ang lapit lang naman sana ng apartment mo, pero dun ka pa talaga sa malayo nyong bahay tumatambay palagi. Yan tuloy lagi kang nalelate.

Sabi ni Jasmine while naglu-lunch kami.

Okay naman yung presentation ko eh. Ipapublish na nga nila ngayon. Atsaka, hindi dapat ma bad mood si sir sa akin no, ako yata ang pinakamagaling na Photo Journalist sa buong kompanyang ito.

Pagmamayabang ko pa.

Oo na. Ikaw na magaling. Pero sana naman wag kang laging late. Di porket magaling ka magpapalate ka nalang lagi. Tandaan mo, hindi ikaw ang boss dito.

Ito talagang bestfriend ko, ewan ko ba kung concern lang sa akin o talagang love niya lang akong sermonan. Kung sabagay, halos 5 days a week nga naman akong late. Ay? Teka, let's rephrase that, halos everyday nga talaga akong late. Hihi.

Dun kasi ako umuuwi sa bahay kasi umuwi si Kuya galing America. At syempre namiss ko yun. Kaso nga lang hindi pa kami nakapag usap ng masinsinan, laging tulog eh. Jetlag daw? Bahala na, basta mamaya pag uwi ko,andun na ulit siya.

Pero bigla kong naalala ulit yung usapan namin ni daddy kanina. Parang ayoko na tuloy umuwi. Haaaaay.

Seoul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon