Kabanata 1

8.1K 195 19
                                    

Kabanata 1

Puwang

"Bhe, saan tayo kakain ngayon? Gusto mo sa Mcdo para love ko 'to? O, di kaya sa Jollibee para bida ang saya? Which one?"

Inis na inis akong bumaling sa makulit na lalaking parang aso kung sumunod sa akin. Shit naman, hindi ko pinangarap magkaroon ng tagasunod! Hindi din ako nag-request ng bodyguard kasi hindi naman ako mayaman na! Pero bakit binigay sa akin? Bwesit naman!

Jusko, natakasan ko na nga siya nung elementary at junior high kami e! Akala ko, hanggang college ay matatakasan ko siya, hindi pala! Bwesit nasundan niya ako dito sa paaralan ko! Akala ko talaga malaya na ako sa kabaliwan at kakulitan niya! Naiinis na ako! Nabwi-bwesit sa lalaking ito! Buti nalang at gwapo siya, kung 'di baka talaga namatay na ako sa kumsumisyon!

"Ano na? Saan tayo kakain? Gutom na ako, bhe!" Pangungulit pa ni Karlmart.

Umirap ako at huminga ng malalim. Nilabag ko padabog sa upuan ko ang librong dala at bag. Hindi ako nakatakas sa kanya kanina kasi bigla niya akong nilapitan at hinarangan sa pagtakas. Nag-isip pa naman ako ng paraan para lang matakasan siya tapos naudlot pa dahil sa lalaking ito!

"May baon akong pagkain! Hindi ko kailangang kumain sa mga fast food restaurant na 'yan!" Nagpipigil kong sabi.

Ngumuso siya at sumingkit ang mata.

"So, saan ako kakain?" Nakanguso niyang tanong.

Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam! Hindi ko kasalanan kung bakit wala siyang baon na pagkain! Yan kasi, ang hambog-hambog at hindi nagbabaon kasi gustong kumain sa mga mamahaling restawran! Iba talaga kapag may pera, nakakabwesit!

"Hindi ko alam sa neknek mo! Bahala ka na nga dyan!" Inis kong sabi.

Mabilis kong pinulot ang libro at bag. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita, tumalikod ako at iniwan siya sa klasrum namin. Buong akala ko ay hindi na siya susunod ngunit nagkamali ako dahil sumabay siya sa akin sa paglalakad habang may nakapaskil na ngisi sa labi niya.

Lumaki ang butas ng ilong ko, nagpipigil ng inis sa kanya. Paano ko ba matatakasan ang makulit na 'to? Bakit lahat ng kilos ko ay alam niya? May list of schedule ko ba siya? Shit naman oh! Na-i-stressed na ako ngayon!

"Ang sungit mo talaga sa akin! Alam mo, matagal na akong humingi sayo ng tawad dahil sa mga ginawa ko nung elementary tayo. Atsaka hindi na nga kita ginulo nung junior high ka e! Ngayon gusto kong itama lahat ng kasalanan ko sayo. Wag ka namang masungit sa akin...please, bhe?" Nagtatampo niyang sabi.

Umiling ako at huminga ng malalim. Isa pa sa kinaiinisan ko ay ang pagtawag niya sa akin sa second name ko. Shit naman kasi e! Bakit may ganung kadugtong pa ang pangalan ko? Yan tuloy at feeling na feeling kung itawag sa akin ng kumag na 'to!

"Will you please stop calling me that? Nakakainis na kasi e!" Pigil kong sabi.

Ngumisi siya ng mapaglaro. Tignan mo, kapag kinakausap ko siya ng maayos, ngingisihan niya ako kaya tuloy ayaw ko siyang kausapin. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang ako! Katulad noon, grabe ang pagbu-bully niya sa akin. Halos hindi ako tantanan sa buong araw! Kaya maaga akong na-i-stressed e!

Looking back to our grade school, he was a tactless brat! Sunod sa layaw! Hindi nagpapatalo sa magulang niya! Makulit at napaka-bossy! Palibhasa, anak siya ng mayaman kaya kung ano-ano nalang ang gustong gawin sa buhay niya. I remember how he bullied me before, we are kindergarten that time when he start bullying me. Palagi niya akong pinapaiyak, tinutukso at minsan galit.

May mga pagkakataong nakikipag-away siya sa mga classmate kong lalaki kapag tinatawag ako sa pangalawang pangalan ko. As in nakikipag-suntukan talaga siya! Kaya minsan, kasama ako sa pinapatawag dahil sa kabasaguleruan niya! Isang araw, galit na galit siya nung tinawag ako ni Albert sa ikalawang pangalan ko kaya sinuntok niya iyon sa mukha. Nasama na naman ako sa pinatawag, that time kasama na rin ang magulang niya at yaya ko.

Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon