Kabanata 23

6.4K 197 12
                                    

Kabanata 23

Willing

"Congratulation misis, you are two weeks pregnant."

Nagulantang ako sa anunsyo ng doctor na kaharap ko ngayon. Halos matuod ako sa kinauupuan habang ang katawan ay nanginginig na sa kaba at pagkabigla. W-what? Ako? Buntis? B-buntis ako at si Karlmart ang ama? S-shit!

"A-are you sure, doc?" I said amusedly.

She nodded and smile at me.

"Yes. Base on the examination we did, the result of your pregnancy test was positive. Means, you are bearing a child." she answered me.

Umiling-iling ako at gulat na gulat sa nalaman ngayong araw. Seriously? Buntis talaga ako? Oh God! P-paano na ito ngayon? Anong mangyayari sa amin ng anak ko? Ngayon pang bubuo na ng pamilya ang ama niya sa ibang babae! Shit! Bakit ngayon pa!? Bad timing!

Kanina, kinakabahan na ako dahil pinagamit sa akin ni doctora ang PT. Hindi ko maintindihan kung bakit may pregnancy test pa sa gayong hindi naman ako buntis! She ask me about the symptoms which definitely related to the symptom of a pregnant woman. Still, I didn't believe her because it's impossible but later on I realized that we had an extremely making love this past days and it maybe possible! I just don't get it why am I pregnant now? Ngayon pa talaga na bubuo na ng pamilya si Karlmart sa ibang babae!

Nanginginig ang kamay ko ng inabot ang PT na ginamit sa akin. Halos mahulog ko pa iyon ng makita ang dalawang kudlit hudyat na nagsasabing nagdadalang-tao nga ako! Oh God, paano na 'to ngayon? Anong gagawin ko? Ni hindi ko nga alam kung paano ako magsisimula tapos ngayon malalaman ko pang ganito ako, shit na talaga! Ang dami namang pasakit sa akin!

My tears flow slowly when I realized something hard. Posibleng ako nalang ang tatayong magulang ng anak namin! Sa mga oras na ito, sigurado akong masaya na sa piling ni Graciel si Karlmart! Masaya sila dahil may sasalubong na baby sa kanya samantalang maghihirap ako dahil mag-isa ako ngayong tatayo sa anak namin!

Pero nandito naman sila nanay Rosalia at tatay ah! They can help me growing the child alone! After giving birth, I might find a job for us! I will definitely find a job for my baby! Hindi kami pwedeng umasa kay nanay at tatay. Matanda na sila at siguradong mahihirapan ang tinuturing kong magulang dahil sa amin. Kinagat ko ang labi at huminga ng malalim. Hindi ko na napansin ang luhang pumatak sa pisnge ko.

Hinang-hina ako habang naglalakad palabas ng hospital. Hindi ko na alam ang gagawin ngayon. Masyado na akong punong-puno sa isipin kay Karlmart at ngayon naman ay sa anak namin! Mababaliw na yata ako sa kanila e! Sobrang nakakabuang ng ulo! Napahinga ako ng makita ang bench sa lilim ng puno. Napatingala ako sa nagtatayugang gusali. Ang ganda ng Makati, this is the upper class place of Philippines.

Bumaba ako ng tingin at natuon iyon sa kabilang kalsada. Napanganga ako ng makita ang nakatayong lalaki doon at mariing nakatitig sa akin. He was wearing his ruthless aura, cold eyes and clenching jaw. Bumilis ang tibok ng puso ko habang hindi matanggal ang tingin sa kanya. Sa tatlong linggo kong hindi pagkakakita sa kanya, halos matunaw ako habang pinagmamasdan siya sa malayo. Sobrang presko niyang tignan ngayon, walang bahid ng problema at frustration.

Huminga ako ng malalim at mabilis na tumayo para umalis. Umigting ang panga niya ng makita akong naglalakad palayo sa kanya. Tumakbo na siya kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Tumawid ako sa kabilang kalsada at mabilis na tinakbo ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Hiningal pa ako ng makarating sa building ng penthouse ni Vizier. Pawisin na ang noo ko maging ang katawan kaya nakaramdam ako ng lagkit.

Bumaling ako sa likod ng makita siyang walang kahirap-hirap na tumatakbo palapit sa akin. Malamig ang mga mata niya, umiigtang ang panga sa galit. Nataranta na ako kaya tumakbo ulit ako at mabilis na pumasok sa entrance ng condominium. Hindi na ako nagsayang ng oras pa, halos liparin ko na ang elevator dahil sa bilis ng takbo ko. Shit, buntis ako! Hindi dapat ako tumatakbo ng ganito kabilis!

Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon