Kabanata 19

6.9K 211 15
                                    

Kabanata 19

Territorially

Magkahawak-kamay kamay parin kami ng pumasok sa isang fine restaurant. Bagama't pinagtitinginan kami ng mga tao dahil bigatin ang kasama ko, hindi ko nalang inalintana iyon. Hindi na ako takot at nahihiya sa mundo na kasama si Karlmart. Sa loob ng mga taon nagkawalay kami, mas lalo akong pinatibay ng pagmamahal ko sa kanya. I love him more, and I am proud to show the world how much I love him.

When I was in London, may mga kaibigan naman akong nakilala. I got even suitors but I always refused them because I have Karlmart in my heart. Hindi ko siya kayang palitan lalo pa't siya ang naging lakas ko sa mga panahon na muntik na akong bumitaw sa master degree ko. I always think about him whenever I feel down.

Aside from suitors, I met my boy best friend, Scylding Vizier Costiño. Mabait siya at matalino din, parating nakakaangat sa mga quizzes, activities and exam. Hinahangaan ng mga kababaihan sa university na pinapasukan namin. Nung una, hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan. Mailap naman siya sa mga tao. Hindi kailanman pumansin sa mga babaeng nagpapakita ng pagkagusto sa kanya. May isang subject kami na klasmate ko siya kaya doon kami nagkaka-usap.

Minsan kaming nagkausap ng masinsinan, hindi niya kayang magkagusto sa ibang babae dahil may mahal siyang naghihintay sa kanya sa pilipinas. Gaya ko, hindi rin niya kayang magmahal ng iba. Kaya kaming dalawa ang close sa university, he always with me whenever I feel lonely. Sa kanya din ako natutong uminom ng alak. Oo, kapag malungkot kaming dalawa, napag-iisapan naming pumunta ng bar at uminom nalang.

Minsan, naisip kong maayos din naman pumunta ng bar kapag malungkot ka. Nakakatanggal ng lungkot at gumagaan ang loob ko sa tuwing pumupunta kami ng bar. Kaya masasabi kong kahit mag-isa ako sa dorm, hindi naman ako nag-isa sa university namin. Nagkahiwalay kami ni Vizier dahil nauna siyang umuwi ng pilipinas. Kaya ang alam ko ay nandito na siya sa bansa.

Pinaupo ako ni Attorney Karlmart sa upuan at siya naman ay sa harap ko. Tumingin siya sa akin ng malalim kaya nailang ako pero hindi naman masyado. Kahit ilang taon ako sa London, hindi ko parin limot kung paano tumitig sa akin ang lalaking ito. Huminga ako ng malalim.

"After lunch, we'll go to a place you missed." aniya sa paos na boses.

Tumango ako at huminga ulit ng malalim.

"Miss ko talaga?" nanunuya kong sabi.

Ngumisi siya.

"Na-miss mo nga ako kaya siguradong miss mo din iyon." sagot niya.

Umiling ako at umirap. Ang hambog naman nito!

"Ewan ko sayo."

"What? Haha, I know you miss me so much." panatag niyang sabi.

Pinalo ko ang kamay niyang nasa lamesa. Umirap dahil sa sinasabi niyang kahihiyan.

"You are such full of yourself, Attorney Karlmart." giit ko.

He smirked sardonically.

"I am. May ihahambog naman kasi ako e,"

I rolled my eyes.

"Ewan ko nalang talaga sayo." nawawalan kong pag-asang sabi.

Tumawa siya. Napahinto ako, tinitigan siyang tumatawa. Biglang bumalik sa akin ang mga alaala namin noon. Yung mga gawain namin na labis kong pinangungulalian. Ngayon, hindi ko lubos maisip na mangyayari pa ito sa akin. Buong akala ko talaga wala na akong pag-asa sa aming dalawa.

"We have to talk about your man in London." aniya sa seryosong boses.

Natigilan ako, napahinga ng malalim. Nagseselos na naman 'to!

Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon