Kabanata 11
Hindi na
Malamig akong nakaupo sa gilid ng lamesa. Hawak-hawak ang cellphone habang nasa screen ang larawan nilang dalawa. Hinang-hina ako sa nakita, pakiramdam ko'y sirang-sira ang sarili dahil sa ginawa niya. Namumugto na rin ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pagluha. Hinihintay parin ang pag-uwi niya kahit malalim na ang gabi.
Noon, isinantabi ko ang pangamba sa kanilang dalawa kahit matunog sa department namin ang usap-usapan sa kanilang dalawa. Hinayaan ko 'yun kasi mas inisip ko ang pag-aaral tutal iyon naman ang rason kung bakit nagkaganito ang relasyon naming dalawa. Kahit pa ilang beses sa akin sinabi ni Iresh na may something na sa kanilang dalawa pero hinayaan ko 'yun. Hindi ako naniwala kasi may tiwala ako sa kanya at mahal ko siya.
Pero ngayon, lahat ng tiwala ko ay nawala dahil sa larawan na nakita. Nilamon ako ng selos, galit, inis, at pagod. Lahat ng kinikimkim kong kapaguran simula noon ay bumuhos ngayon. This is not healthy anymore! He is not good to me anymore! Babagsak parin ako dahil sa mga pinaggagawa niya. Ngayon napagtanto kong mas mainam na makipaghiwalay nalang kaysa humaba pa 'tong patay naming relasyon. Mas mabuting wakasan nalang namin dito ang relasyon kasi nasasaktan na ako e! Nawawasak na ako e!
Mahal ko siya pero nakakapagod na. Miss na miss ko na yung makulit at malambing na lalaking minahal ko. Yung lalaking hindi ako tinatantanan. Miss ko na yung dating siya. Shit! Hindi ako makapaniwala na umabot kami sa puntong ito! Hindi ako makapaniwala na nakayanan kong umabot sa taong ito habang bitbit ko siya. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin, wala akong naramdaman kung 'di kalungkutan nalang. Hinayaan ko 'yun at pinalipas ang panahon.
But now, I'm done understanding him! I'm done bringing him up! I'm done because I'm tired. Napagod ako kakabitbit sa kanya paitaas. Napagod akong umintindi at palagpasin ang lahat. Pagod na ako kaya kailangan ko na ding magpahinga para sa sarili ko. Nai-angat ko nga siya pero napagod naman ako.
Bumukas ang pinto kaya pinanatili ko ang kalamigan sa mata. Pumasok ang nag-gigiwang-giwang na si Karlmart. Halos matumba pa siya kung hindi lang nakasampa sa sofa. Tumawa pa siya ng parang baliw pagkatapos ay umiling-iling sa sarili. Tinignan ko lang siya habang patuloy na tumatayo kahit nahihirapan. Pinagmasdan ko ang lalaking minahal ko ng tunay. Malayong-malayo na sa lalaking sinagot ko noon.
Ngayon, ang nakikita ko nalang sa kanya ay unti-unting nasisira. The man I loved is the man become I hate the most. Natawa siya ng makatayo ngunit lasing na lasing. Nagtama ang mata namin kaya napangisi siya sa akin. I just look at him, coldly.
Tumingin siya sa lamesang hinanda ko, natigilan at pinagmasdan ng maigi iyon. Pagkatapos tumingin sa lamesa ay bumaling naman sa dingding kung saan nakalagay ang malalaking titik ng anibersaryo namin ngayon. Lumunok siya at nahimasmasan sa sarili. Tumingala pa siya para makita ang mga larawan naming nakasabit habang ang pusong lobo ay nagmistulang disenyo nito. Tumayo siya ng tuwid at nahihirapang tumingin sa akin.
He sighed deeply. Ang kalasingan ay nawala dahil sa mga nasaksihan. Tumayo ako at malamig parin siyang tinignan. Hindi ako lumapit, nanatili ako sa kinatatayuan habang magkatitigan kami. He nipped his lip while looking at me hesitantly.
I smiled fakely.
"Happy 3rd anniversary." Walang kabuhay-buhay kong sabi.
He swallowed hard. Kinagat ko ang labi habang pinipigilan ang emosyong punong-puno ng sakit. He sighed and bow down his head. Nang inangat niya ang ulo, hindi na siya makatingin sa akin ng diretso.
"S-sorry." Mahina niyang sabi.
Tumango-tango ako at ngumisi ng pagak. He become pale.
"I-I forgot—"
BINABASA MO ANG
Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomantikKarlmart Jarden Heinrich is a tactless brat. He was spoil by his grandparents. He gets, what he wants. And being like the woman he want to get, he bullied her. He make her feel that she is just a past time. But one heart is in danger. Can his heart...