Kabanata 4

4.5K 148 3
                                    

Kabanata 4

Do something

Tinupad ko ang pangako kay Karlmart. Nakangiti kong pinagmamasdan ang hinandang baon para sa almusal niya. Dalawang plastic lunch box ang nilagay ko sa bag at maging ang iinumin niyang tubig ay nilagay ko na din sa aking bag. Huminga ako ng malalim bago bumaling kay nanay Rosalia.

Ang niluto kong almusal niya ay simple lang naman. Isang sunny side up, tatlong pritong hotdog at beef loaf na nilagyan ko ng itlog din. Ang kanin ay ginisa ko para masarap ang pagkain niya. Balak ko pa sanang gumawa ng kape pero naalala kong nagkakape naman na siya sa condo niya. Pinaghiwalay ko ang ulam at kanin niya para maayos naman tignan.

Lumapit sa akin si nanay Rosalia, ang mga mata ay naguguluhan.

"Para kanino 'yan, hija?" tanong niya.

Bumuntonghininga ako. Sasabihin ko sa kanya ang totoo, ayokong magsinungaling lalo pa't pinagkakatiwalaan niya ako. Siya na rin naman ang tumayo bilang isang ina ko kaya dapat lang na maging tapat ako sa kanya.

"Para kay Karlmart Lagunzad po, nanay." Magalang kong sabi.

Kumunot ang noo niya, naalala yata si Karlmart.

"Karlmart Lagunzad? Yung batang inaaway ka noon?" takang tanong niya.

Huminga ako ng malalim tsaka ngumiti. Well, nagbago na siya! Hindi na siya bully katulad no'ng una. Nagbago siya at alam kong mabait na siyang tao. Pwede naman 'yun diba, na magbago ang isang tao!

"Opo, nanay." Sagot ko.

Tumango-tango siya at hinaplos ng marahan ang likod ko.

"Mukhang nagbago na siya. Hindi ka na inaaway?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Opo, nay. Mabait na po siya, hindi na katulad noon." Sagot ko.

"Sige. Nagtitiwala ako sayo, hija."

Iyon ang huling pag-uusap namin bago ako umalis ng bahay. Pagkalabas ko ng gate, nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag. Kinuha ko iyon at tinignan.

Mr. Kulit:

Good morning, bhe. Sabay na tayo, nasa tapat ako ng bahay niyo.

Mabilis kong binaling ang tingin sa harap ng bahay namin, nandoon nga siya at preskong nakasandal sa kotse niya. Sobrang linis niyang pagmasdan sa suot na uniform. Maging ang itsura niya ay hindi nakatakas sa aking paningin, mas lalo siyang gumwapo sa kasuotan ngayon.

Kinaway niya ang kamay sa akin, huminga ako ng malalim at tsaka ngumisi. Kung araw-araw niyang gagawin ito sa akin, baka hindi ko mapigilang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Seeing him making this to me makes all my day complete.

Ngumiti siya at lumapit na sa akin. Inabot niya ang kamay sa akin, nag-alinlangan pa akong abutin iyon pero ginawa ko. When our hands intertwined, my heart beat so fast. Kinagat ko ang labi at nagpahila na sa kanya. Binuksan niya ang pinto sa front seat at marahan akong pinasakay. Huminga ako ng malalim bago siya pumasok sa loob.

Hindi ko alam ang gagawin, para akong natameme habang nakatitig siya sa akin ngayon. His eyes were serious but tender. Mas lalo kong kinagat ang ibabang labi para mapigilan ang anumang bagay na nararamdaman ko ngayon. Shit, stop staring at me! I am melting already!

"Can I kiss you?" paos niyang sabi.

Tumingin ako sa kanya, napapasinghap ang itsura.

"K-kiss practice ba?" utal kong tanong.

Sumilay ang isang ngiti sa labi niya. Pumikit siya ng marahan bago tumingin ulit sa akin ng malalim.

"Opo, bhe." marahan niyang sabi.

Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon