Kabanata 17

6.5K 241 37
                                    

Kabanata 17

Attorney

Pagod na pagod akong humiga sa kama. Pagkapasok ko ng kwarto, nagpalit agad ako ng damit para matulog. Ang sakit ng balakang ko, maging sa paglalakad ay nag-ika-ika ako. Sa sobrang sakit ng katawan ko hindi ko na napigilan ang sariling kainin ng tulog. Nagising lang ako dahil sa kamay na humihilot sa baywang ko. Nagtaka ako kung sino iyon, wala naman akong kasama sa kwartong ito kaya ng minulat ko ang mata ay napasinghap ako.

Seryoso ang mukha ni Karlmart habang hinihilot ng maingat ang baywang ko, napalunok ako dahil sa sarap na nararamdaman. Huminga ako ng malalim habang hinayaan siya sa ginagawa, hindi ako nagsalita dahil seryoso ang anyo niya. Bumaba ang kamay niya sa hita ko hanggang sa paa. Relax na relax ako habang hinahayaan siya sa ginagawa sa akin.

“Hindi kasi nag-iingat!” bulong niyang sabi.

Kinagat ko ang labi habang nagkunwaring natutulog pa. Nakinig ako sa sinasabi niya.

“Sabi ng magdahan-dahan e! Bwesit!” mariin niyang sabi.

Pinigilan kong hindi matawa sa kanya. Hindi ko alam kung pinapagalitan niya ba ako o hindi. Ang sungit-sungit ng mukha niya at nakanguso pa. Parang bumalik yung dating Karlmart na minahal ko.

“Fuck it! I’m guilty.” mahina niyang sabi.

Napalunok ako at hinayaan siya sa pagsasalita. Ang cute niyang tignan habang pinapagalitan ako. At teka nga, bakit ba siya nandito sa kwarto ko? Diba’y wala na dapat siyang pakialam sa akin?

Galit siya dahil iniwan ko siya at mas pinili ko ang oportunidad, pero ba’t nandito siya at hinihilot ako? Anong ibig sabihin nito?
Natapos siya sa paghihilot kaya hindi ko na naramdaman ang kamay niya sa katawan ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang pusong dumadagundong sa kaba. Rinig na rinig ko ang buntong-hininga niya sa gilid ko, ramdam na ramdam ko din ang titig niya sa akin.

Kung galit siya sa akin, dapat wala siya dito at hinahayaan niya akong magdusa sa sakit! Kung kinamumuhian niya ako dahil iniwan ko siya at mas tinanggap ko ang oportunidad, dapat hindi niya ako inaalagaan ngayon! Pero bakit siya nandito? Ano ang pakay niya sa akin dito? Bakit niya ako inaalagaan? Nakakalito, naguguluhan ako sa kinikilos niya pero unti-unti kong naiintindihan ang ginagawa niya.

Maaaring ginagawa niya ‘to dahil kahit papaano’y may pinagsamahan kami. Hindi parin mawawala sa tao ang pag-aalala lalo pa’t kung nakasama mo siya sa buhay mo. You will always think about that person, if she or he is okay? If she or he still alive? Kahit hindi maganda ang nangyari sa inyong dalawa, magkakaroon parin sa puso mo ang pag-aalala.

Kung nagkapalit kami ng sitwasyon, kung siya ang humarap sa sitwasyon ko noon siguradong magagalit ako pero hindi ko ide-deny na nag-aalala ako sa kanya lalo pa’t minahal ko. Kahit anong sakit ang dinulot niya sa akin, pipilitin ko ang sarili na magpatawad at palayain ang sakit na naidulot niya.

Ganyan dapat ang buhay, nasasaktan man dapat marunong parin tumanggap ng kapatawaran. Kung ang panginoon nga natin ay nakakaya tayong patawarin sa araw-araw na kasalanan natin, tayo pa kayang mga anak niya.

Mabigat sa puso ko kung ikukulong mo lang sa loob ang hinanakit at sakit. Mas mainam na sabihin mo yan sa taong nasaktan ka at hayaan ang sarili magbigay ng tawad. Kahit anong mangyari, dapat at dapat tayong magpatawad. Ngayon, ang ginagawa sa akin ni Karlmart ay isang uri ng pinagsamahan namin. He cared for me because we have a good start before, and at the end of the day, we can make this through.

Minulat ko ng kaunti ang mata at nakita ko siyang nakatitig sa picture frame na nasa side table ko. Nahiya ako dahil nakita niya pa iyon. Baka sabihin niyang hanggang ngayon ay hindi parin ako nakaka-move on sa kanya. Oo, mahal na mahal ko siya pero marunong naman akong dumistansya lalo pa’t alam kong ikakasal na siya. Hindi ko ipipilit ang sarili dahil alam kong makakasira lang ako sa kanila.

Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon