Kabanata 15
Nawala
Masayang masaya ako habang nakatitig sa stage dahil kinukuha ni Karlmart ang cum laude niyang award para sa graduation namin. Hindi matumbasan ang kasiyahan ko ngayon habang nakikita sa kanya ang tunay na saya. Namuo ang luha sa mata ko habang pinagmamasdan siyang kinukuha ang sariling tagumpay. Nagtaka ako kung bakit hindi umakyat sa stage ang mag-asawang Lagunzad, napasinghap naman ako ng tumingin sa akin si Karlmart.
Lumapit siya sa podium at nagsalita.
“May I invite my girlfriend here.” he said softly.
Napanganga ako ng sabihin niya iyon. What? Ako, pinapaakyat niya sa stage? Bakit? Nailang ako ng tumingin sa akin ang mga kapwa graduate ko. Huminga ako ng malalim at tumayo nalang para puntahan siya. My tears flowing as I heading to the stage, nagkatitigan kami at halos mahulog ang puso ko habang nakikita sa mga mata niya ang galak.
Yumuko ako para pahirin ang luha.Lumapit ako sa kanya at sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap. Sinubsob ko ang mukha sa dibdib niya habang ang luha ay hindi na naman napigilan. Dumagdag sa bigat ng nararamdaman ko dahil bukas na ako aalis. Ayon kay Mr. Congo, magsisimula ang master of degree ko sa London. Minamadali nila akong umalis para makahabol sa unang araw ng pasukan doon.
Huminga ako ng malalim bago inangat ang ulo. Pinakatitigan ko siya, namumungay ang mata niya habang titig na titig sa akin. Kinagat ko ang labi tsaka ngumiti sa kanya ng matamis. Ang gwapo niyang tignan ngayon, habang tumatagal mas lalo lang akong nahuhumaling sa kanya. He landed a soft kiss in my forehead, I smile softly.
“Congratulation, baby.” malambing kong sabi.
His eyes tendered. Binigay niya sa akin ang medal kaya tinanggap ko iyon at sinuot sa kanya. People clap their hands as they looking at us. He sighed deeply.
“I love you.” aniya sa paos na boses.
Tumango ako at tsaka siya dinampian ng halik sa labi. Sabay na kaming bumaba sa stage, huminto pa sa may bandang hagdan dahil pinicturan kami. He snake his arms around my waist as the photographer click his camera. Pagkatapos ng ilang shot ay umalis na kami, pinaupo niya ako sa upuan ko bago siya bumalik sa upuan nila.
I sighed deeply.
“Ang swerte mo sa boyfriend mo.” si Iresh.
Ngumiti ako sa kanya, tumango dahil sa sinabi niya.
“Ikaw din naman e. Mahal na mahal ka ng boyfriend mo kaya dapat mong ikatuwa iyon.” sagot ko.
She sighed.
“Mahal ko din naman siya kaya dapat rin siyang matuwa.”
Umiling ako. Siraulo din talaga siya! Well, natutuwa naman ako sa kanya dahil kahit tsismosa siya ay tunay naman. Ramdam ko ang kagaanan ng loob sa kanya sa tuwing nagkakasama kami. Sa ilang taon naming magkasama, sobra akong masaya dahil siya ang naging katabi at kausap ko. At bukas ay malulungkot ako dahil lahat ng meron sa akin ngayon ay mawawala.
“Salamat.” masaya kong sabi.
Natigilan siya, nagulat sa sinabi ko. Ilang sandali pa’y ngumiti siya at bigla akong niyakap. Nagulat ako pero niyakap na din siya pabalik. Kahit loka-loka siya, tinuturing ko din siyang tunay na kaibigan.
“Thank you! Naku, ang saya-saya ko kasi kaibigan kita kahit minsan ay naiirita ka sa pagiging tsismosa ko. Sana pagkatapos nito’y hindi mo ako kalimutan.” sabi niya sa mahinang boses.
Tumango ako at bumitaw sa yakap niya.
“Tunay kitang kaibigan kaya salamat.”
She smiled and nodded. Natapos ang seremonya kaya nagkalat na ang mga istudyante sa gym. Umalis na si Iresh dahil kinuha siya ng boyfriend niya. Lumapit naman sa akin ang pamilya ko, malaki ang ngiti ni nanay Rosalia habang palapit sa akin. Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap.
BINABASA MO ANG
Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)
Roman d'amourKarlmart Jarden Heinrich is a tactless brat. He was spoil by his grandparents. He gets, what he wants. And being like the woman he want to get, he bullied her. He make her feel that she is just a past time. But one heart is in danger. Can his heart...