Kabanata 22

6K 186 5
                                    

Kabanata 22

Dizzy

Umabot ng gabi ang pamamalagi ko sa Manila Bay. Ayokong umuwi sa bahay nila nanay at tatay, maging sa bahay at condo ni Karlmart. I want to be alone in this moment, hearing and knowing about the issue of Graciel Yerro and my husband makes me cry to death. Hindi ko kaya! Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ang tagpo kanina.

Bakit may ganitong pagsubok pa kami? Bakit kailangan pa naming harapin ang masakit na pangyayaring ito? Oo, nasaktan ko siya dahil iniwan ko at mas pinili ang oportunidad pero hindi ko lubos matanggap na may ganitong pangyayari sa amin. I just can't accept knowing him having a child with other woman! Parang binubuhusan ng asido ang puso ko kapag naaalala ko iyon!

Is this the change of all I did before? Ba't ang sakit? Ba't parang hindi ako makahinga sa sakit?

Pinahid ko ang luha sa mata at nanghihinang huminga. Ang simoy ng hangin ay malamig sa katawan at ang ilaw ng syudad ay nakakahalina sa mga mata. Sumabay pa ang mga parol na nagliliwanag sa poste ng mga ilaw. Malamig na ang hangin dahil paparating na ang pasko. Tapos ito pa yung ibabagay na regalo sa akin! Mas masakit 'to sa pag-iwan ko sa kanya.

Lumunok ako at kinuha nalang ang cellphone sa bag. Hinanap ko ang pangalan ni Vizier sa phone book ko. Wala akong ibang maisip na puntahan kung  'di siya lang. Kailangan ko ng advise at comfort niya. At baka kailangan ko ding maglasing para mawala itong sakit na nararamdaman ko sa puso. Pinindot ko ang pangalan niya at sinubukang tawagan. It ring so it give me hope for this night. Huminga ako ng malalim at sagutin niya ang tawag.

"Yes, Angel? Problem?"

His voice is raspy. I swallow hard!

"V-viz, nasa Manila ka ba ngayon?"

I heard his deep sighed.

"Yup! Nasa Makati, sa penthouse ni papa. Why?"

Bumuntonghininga ako. This is it! Siya lang ang makakatulong sa akin!

"C-can you help me? Wala kasi akong ibang matuluyan ngayon e!"

I said full of hope. I have no choice but to disturb him.

"Why? Well, yeah sure! Why not! Where are you?"

I sighed.

"N-nasa Manila Bay ako ngayon."

"Oh, want me to fetch you? I'm free!"

I nodded like a crazy. Sabi ko na e! Siya lang ang makakatulong sa akin!

"P-please?"

He heaved a sighed.

"Wait me. Siguradong malalim ang problema mo e!"

Tumango ako at huminga ng malalim. He end the call, I wait him for a minute. Mas lalong sumibol ang malamig na hangin, nilamig ako kaya halos yakapin ko ang sarili para mawala ang lamig na nararamdaman. Bumuga ako ng malalim na hangin pagkatapos ay tumingala para makita ang mga butuin sa langit.

Napangiti ako ng malungkot, naaalala ang nakalipas kong magulang. Kumusta na kaya sila sa taas? Maayos na ba sila? Masaya na ba sila? Ba't parang ako lahat ang humarap sa hirap ng buhay? Ba't parang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko ngayon? Ano na bang mangyayari sa akin?

My tears flow slowly.

"Ma, pa k-kumusta na kayo dyan? M-masaya na ba kayo sa taas? Hindi na ba kayo nakakaranas ng hirap? Sana naman maging masaya na kayo dyan, kasi ako dito ay sobrang bigat ng nararamdaman e! Hindi ko na alam ang sunod na gagawin, para akong nawalan ng lakas dahil sa nalaman kanina. Wag niyo sana akong pabayaan, mama at papa." mahina kong sabi.

Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon