Kabanata 14

4.6K 147 8
                                    

Kabanata 14

Malapit

Pumasok ako sa loob ng bahay, mabigat ang kalooban dahil sa ginawa ngayon. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa alok na tinanggap ko. Ayokong sabihin dahil sigurado pipigilan niya ako. Hindi siya sasang-ayon sa gusto ko. Magmamakaawa siya sa akin at iyon ang hindi ko makakaya.

Sinalubong ako ni nanay Rosalia, nasa sala siya at nakaupo sa sofa. Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Namuo ang luha ko at hindi napigilan ang sariling umiyak sa harap niya. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ang bigat-bigat sa kalooban ko at ayokong iwan si Karlmart.

Ayoko siyang iwan kasi sobra ko siyang mahal. At nasasaktan ako dahil sa ginawa kong desisyon. Nag-aalala siyang tumingin sa akin.

"May problema ka ba, hija?" punong-puno ng pag-aalala niyang sabi.

Dahan-dahan akong tumango at nanghihinang tumingin sa kanya.

"N-nay, k-kailangan ko siyang iwan." masakit kong sabi.

Napahinga siya ng malalim. Hinaplos niya ang likod ko, mas lalo akong dinala sa sakit at pighati. Ang lungkot-lungkot ng puso ko. Sawing-sawi ako sa piniling desisyon. Hindi ko alam kung magiging worth it ba 'tong pinili ko. Hindi ko alam kung magiging worth it ba ang iwan ko siya.

"Ang buhay ay sadyang malinlang, hija. May masaya, may malungkot. May kailangang iwan at piliin. Pero sa huli, mananatili ang pinakamatatag sa lahat…ang pag-ibig." aniya sa mahinang boses.

Tumango ako at pinahid ang luha sa mata. Tama siya! Ang buhay ay madaya. Kailangan kong gawin ito dahil wala kaming mararating kung magsasama lang kami. Oo, mahal namin ang isa't-isa ngunit kailangan naming gawin ito para sa sarili. Hindi umiikot ang mundo para sa amin. Hindi iikot ang mundo para lang sa amin.

Gumaan ang loob ko ng humiga sa kama. Pinikit ko ang mata at huminga ng malalim. Pinilit kong matulog para sa gabing iyon at nagtagumpay naman ako. Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Tumayo ako at naligo na para pumasok sa paaralan. Nang matapos akong maligo, nagbihis ako ng uniform namin at bumaba na para kumain.

Naabutan ko si nanay Rosalia at tatay na nasa hapag-kainan na. Nagmano ako at umupo na sa upuan. Humigop ako ng kapeng hinanda sa akin ni nanay. Huminga ako ng malalim at kumain nalang.

"Nay, tatay aalis na ako sa susunod na linggo." sabi ko.

Huminto si tatay sa pagkain at tumingin sa akin. Bumuntonghininga ako.

"Sigurado ka na ba dyan, hija?" si tatay.

Tumango ako at ngumiti ng malungkot. Alam na nila ang tungkol sa scholarship na binibigay sa akin ng department namin. Sinabi ko sa kanila noong una pa kaya ngayon ay alam na nila.

"Opo, tatay." magalang kong sabi.

Huminga si tatay at tumango nalang.

"Basta kahit anong gawin mo ay suportado namin. May tiwala kami sayo kaya gawin mo ang gusto mo." si nanay Rosalia.

Bumuntonghininga ako at ngumiti ng malungkot. Wala akong ibang choice kung 'di piliin ang mas makabubuti sa amin. Alam kong pagkatapos nito, magiging worth it. Masaktan man kaming dalawa sa gagawin ko, alam kong darating ang panahon para sa aming dalawa.

Tahimik akong umupo sa upuan ko, inisip ang pwedeng gawin para sa araw na ito. Pumasok na din naman ang mga kaklase ko at nagsimula na ang practice namin para sa graduation. Huminga ako ng malalim at nakinig sa instruction ni sir. Tinuro niya ang gagawin namin, ang kakantahin at kung ano ang mga gagawin namin sa araw ng graduation. After the long practice, pinaalis na kami ni sir kaya nagsilabasan kami. Bumungad sa akin si Karlmart na seryoso ang mukha.

Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon