Kabanata 13
Best
“Ms. Laforteza, this is a great opportunity for you. We’ve seen your performance for the last three years and my co-teachers are agree with me, too. I hope you will think properly about this, it’s the best for you.”
Titig na titig ako habang kaharap si Mr. Congo, ang head unit ng Accountancy department. Pinatawag niya ulit ako para linawin ang tungkol sa ino-offer ng department namin sa akin. Last week, I was occupied because of this offer. Punong-puno ng mga malalalim na sitwasyon ang utak ko. Naguguluhan kung bakit ako binibigyan ng ganitong offer ng school.
Hindi ko alam kung sino ang nag-sponsor nito para ibigay sa akin pero hanggang ngayon ay gulong-gulo ang utak ko. Hindi ako pinatulog ng ilang gabi nito, palaging pumapasok sa isip ko ang pwedeng mangyari kapag tinanggap ko ang offer nila. Una, pwede kong makuha ang inaasam na degree kapag tinanggap ko ang binibigay nilang offer. Pangalawa, makakapasok ako sa mga tanyag na bangko kapag malaman nilang galing ako sa kilalang unibersidad. At pangatlo…maiiwan ko si Karlmart.
Si Karlmart na pinakamamahal ko ay maiiwan ko sa oras na tanggapin ko ito! Ang lalaking nagbibigay kasiyahan sa akin ay mawawala kapag tinanggap ko ang alok nila. Ngayon, nakumpirma kong ‘yun nga ang bumabagabag sa akin isang linggo na. Iyon ang malalim na laman ng isip at puso ko, iiwan ko si Karlmart para sa magandang oportunidad para sa akin.
Ngayon ang tanong, kaya ko ba? Kaya ko ba siyang iwan? Sa oras na tanggapin ko ang alok na ito, isa lang ang ibig sabihin no’n, kailangan kong isakripisyo ang pagmamahal sa kanya para sa magandang kinabukasan sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, naguguluhan parin ako hanggang ngayon.
Gulong-gulo sa pwedeng gawin at piliin.
Last week, Mr. Congo told me about the offer. That’s the day before I visit Karlmart in his condo. At nung araw na hinatid niya ako pauwi sa amin, yun din ang mabigat kong lihim sa kanya. Lihim na pwede naming ikasirang dalawa. At alam kong hindi na maibabalik ang saya sa amin kapag tinanggap ko ang alok sa akin. If that day came, ako ang sisira sa aming dalawa.“Sir, let me have a time to think about it.” I said politely.
He nodded and smile genuinely.
“Think about it. It’s a great opportunity for you. And take note, ikaw palang ang kauna-unahang pinili ng sponsor namin. Usually kasi board of members ang pipili pero ikaw mismo ang pinili ng magbibigay scholar sayo. I hope you have a better decision about it.” Mr. Congo said seriously.
“I’ll think about it, sir.”
“Sure. I’ll give you the time. Pero sa oras na ipatawag ulit kita, that mean you have to give your decision about this.” he said.
Tumango ako at umiwas ng tingin sa kanya. Natapos ang pag-uusap namin kaya maingat kong sinarado ang pinto ng office niya. Bumuntonghininga ako ng malalim, sobrang bigat ng iniisip. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin. Ngayon ang panahon na kailangan kong pumili. Pumili ng mas makabubuti sa akin. This is the opportunity the best for me. And I know, I have to choose wisely.
Pumasok ako sa room at tahimik na umupo sa upuan ko. Huminga ng malalim at pinikit ang mga mata ng ilang beses. Shit, umiikot na ang utak ko sa mabigat na iniisip. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Litong-lito na ako at nanghihina. Siniko ako ni Iresh kaya napatingin ako sa kanya. She has a grinned in her lip.
“Hoy, laki yata ng problema mo huh!” aniya sa tsismosang boses.
I sighed heavily.
“W-wala naman.” utal kong sabi.
Umiling siya at hindi tinanggap ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)
RomansKarlmart Jarden Heinrich is a tactless brat. He was spoil by his grandparents. He gets, what he wants. And being like the woman he want to get, he bullied her. He make her feel that she is just a past time. But one heart is in danger. Can his heart...