Kabanata 6

4.4K 143 7
                                    

Kabanata 6

Yakapsule

Naging busy nga ako sa sumunod na araw. Halos hindi ako makasabay kay Karlmart sa lunch namin dahil kailangan naming mag-double time sa paparating na midterm. Hindi kami pwedeng mahulog sa midterm dahil iyon ang ikaka-eliminate namin sa kursong ito. We need to give our best to surpass this challenge again!

Naibigay ko na din sa kanya ang panyong naiwan sa akin. Maging ang almusal niya ay hindi ko kinalimutan. Hindi lang talaga kami magkakasama ngayon dahil sa sabado at linggo ay magri-review kami. My classmates decided to have a review this coming weekend, ika'y baka mahulog kami sa ilang majors at minor namin.

Sumabay pang nagbanta sa amin si Mr. Malibago na baka may mai-eliminate sa amin ngayong semester. Nanginig kami sa takot ng malaman iyon kaya gumawa ang mga classmates ko ng paraan para magkaisa kami sa sabado at linggo.

Hindi ko pa 'yun nasasabi kay Karlmart dahil sa kabisehan sa mga ginagawa namin. Akalain mo, may pahabol pang term paper si Ms. Dimasalag sa subject naming business strategy! Shit, kulang na nga kami sa oras tapos may idadagdag pa siya! Kainins naman!

Huminga ako ng malalim habang ang cellphone ay patuloy sa pagva-vibrate. Hindi ko iyon makita dahil kaharap namin si Mr. Domingo sa asignaturang Macro economics. Bwesit, istrikto pa naman ang matandang ito! Ayaw makakita ng istudyante na nagci-cellphone habang nasa klase niya. Naghintay akong tumalikod siya, ng ginawa ay mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa at nanginginig ang kamay na tinignan ang trentang missed calls at sampung text ni Karlmart. Shit, nagkaroon kasi kami ng make-up class sa kanya kaya kahit lunch na ay may klase parin kami.

Binasa ko ang mga text niya.

Karlmart:

Where are you?

Kartmart:

Ba't wala kayo dito sa classroom niyo?

Karlmart:

Hey, reply naman dyan! Kinakabahan na ako dito e!

Karlmart:

Maghihintay lang ako sa labas ng classroom niyo.

Karlmart:

Sabay tayong kumain! Hihintayin kita.

Nakonsensya ako sa mga ilan niyang text. Hindi ko kasi siya nasabihan tungkol sa make-up class na ito dahil biglaan lang din! Ni hindi nga ma-sink in ng utak ko ang mga tinuturo ni sir ngayon e! Nagugutom na ako at kanina pa kumakalam ang sikmura ko!

Paano yan? Hindi ko alam kung hanggang kailan kami sa subject na ito! Paano si Karlmart? Baka hindi 'yun makakain ng lunch niya dahil sa paghihintay sa akin! Shit! Kailangan niyang kumain! Gusto ko sanang magtipa ng reply ngunit kinakabahan ako sa presensya ni sir.

Huminga ako ng malalim at mabilis na tinago ang cellphone sa bulsa. Inayos ko ang sarili bago humarap kay sir na sobrang pawis na habang nagtuturo. Kinain naman ako ng konsensya dahil sa ginawa. Shit, sobrang bait ko yata para makaramdam ng ganito! Umiling nalang ako at nakinig sa discussion ni sir. Matapos ang dalawang oras na pagtuturo niya, pinakawalan naman niya kami.

Humihiyaw sa reklamo ang mga classmate ko habang palabas kami sa fourth floor na ginamit naming room. Usually, nasa sariling room lang kami at mismong mga teacher ang pumupunta sa amin para magturo. Pero ngayon ay nag-iba! Pinalabas kami ni sir sa sariling room at pinapunta sa fourth floor para doon magturo. Nakakabwesit!

Mabilis akong naglakad, halos takbuhin ko na nga second floor para lang maabutan si Karlmart. Hingal na hingal ako ng tumapak sa ikalawag palapag, dismayado dahil hindi ko na nakita pa ang boyfriend ko. Nasaan na siya? Umalis na ba? Kumain nalang ba siya ng mag-isa? Na-guilty tuloy ako!

Lagunzad Series 1: Fall All Over Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon