Prologo

388 9 4
                                    

Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


[Prologo]

Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang kulay ng liwanag na nagmumula sa buwan. Agad akong napatingala, napatigil ako sandali, nagsasanib muli ang puti at mapulang buwan. Heto ang huli kong nakita nang mapadpad ako sa ilalim ng tubig. Sigurado rin akong isa ito sa mga dahilan kung bakit ako napadpad sa panahon na 'to.

"A-Ana .."

Napatingin ako kay Lino, halos mapatigil ako nang makita na unti-unting naglalaho ang babaeng nakahiga mula sa hita nya.

A-Anong nangyayari???

Marahan akong tumayo habang nakatingin kila Lino. Hanggang sa nawala na ng tuluyan na parang bula ang babae.

"Ana!!"- sigaw ni Lino habang ito'y umiiyak.

Napapalunok ako habang papalapit sa kanya. Naramdaman nyang nasa likuran nya ako kung kaya't marahan siyang lumingon sa akin at marahan na tumayo.

"A-Ano ang ginagawa mo dito?"- tanong nya sa akin.

Tumingin ako sa buong paligid. Halos kaming dalawa na nalang ang tao dito. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Nakita ko ang nangyari. A-Ano 'yon? Bakit biglang naglaho yung babae kanina??"

Hindi siya sumasagot.

"May pakiramdam ako eh. May pakiramdam ako na may alam ka kung bakit ako ngayon nandidito! At may pakiramdam rin ako na tama ang hinala ko na iisa lang kayo ng Jino na 'yon!"

Nananatili siyang hindi nagsasalita at tumutulo lang ang mga luha nito sa kanyang pisnge.

"Sagut---"

*BOOOGGGGSSSS*

Parehas kaming napatigil at napahawak ako bigla sa gilid ng tiyan ko kung saan tinamaan ako ng bala ng baril.

"B-Binibini .."



*****

Lunar Trilogy
"Ang Ikatlong Serye"

Si Gabby Almario, ang bad girl na nag-mula sa kasalukuyang panahon ang mapapadpad sa makalumang panahon ng dahil sa mahiwagang dala ng Lunar Eclipse. Si Gabby ang pasamantalang papalit sa katauhan ng isang babaeng mabait at mainhin na si Amanda Felipe Viscano, ang kaisa-isang anak na babae na tagapag-mana ng mga ari-arian mula sa buong angkan ng mga Viscano. Ano nga ba ang misyon na kailangan gampanan ni Gabby mula sa pasamantalang pag-gamit sa katawan ni Amanda Viscano?

#LunarTriloy3
#immissluvee

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon