Kabanata 1

10.7K 57 4
                                    


THIS IS A WORK OF FICTION.
NAMES, CHARACTERS, BUSINESS,
EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS OF MY IMAGINATION ONLY. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD OR ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL. PURONG BUNGA LANG NG AKING MAKULIT AT MASAMANG IMAHINASYON. COMMENT AND VOTE NAMAN PO KAYO KUNG ANO MASASABI NIYO SA STORYANG ITO. THANKS NANG MARAMIHAN.

EXPECT GRAMMATICAL ERROR OR ANYTHING ERRORS.

PLAGIARISM IS A CRIME. PEPEKTUSAN KITA KAPAG NANGOPYA KA.

************************************************

LAYNIE

YUNG magigising kana lang isang araw at biglaan na lang magbabago ang takbo ng buhay mo nang hindi mo inaasahan. Ayos lang naman sana kung ang life changing na mangyayari sa'yo ay iyong tipong pang fairy tale na may happily ever after. Pero paano kung ang life changing na mangyayari sa buhay mo ay iyong tipo na mala tragic o mala horror? At ikaw ang huling biktima? Nanaisin mo pa kayang magpatuloy sa buhay? Paano kung wala kang choice? Pikit mata mo na lang ba na tatanggapin ang lahat?

Ganito nagsimula at nagbago ang lahat sa buhay ko. Isang hapon, araw ng byernes pagkauwi ko ng bahay galing sa university na pinapasukan ko.

"Laynie! Laynie! Julanie!" dinig kong sigaw ng boses ni papa na sumapaw sa tugtog na nagmumula sa headset ko. Kaya naman dali dali ko yung tinanggal sa magkabilaan kong tainga.

Taka akong tinignan si papa. Nakapagtataka lang na maaga siya umuwi ngayong araw. Madalas kasi, hating gabi o madaling araw na siya kung umuwi dahil nga sa trabaho niya na driver bodyguard. Isa kasing Mafia associates ang papa ko at matagal tagal na din siyang naglilingkod bilang bodyguard sa pamilya De Russo.

"Ano ba papa? Sigaw ka nang sigaw diyan?" nakasimangot na reklamo ko.

"Kailangan kita makausap Julanie," malakas ang boses na bungad agad niya sa akin, pagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay.

Sa totoo lang ayaw na ayaw ko sa pangalan ko dahil kombinasyon yun ng Julia at Arnie. Pangalan ng papa at mama ko. Ayos lang naman na dalhin ko ang pangalan ni papa, wag lang yung pangalan ng mama ko. Kaya mas gusto kong tawagin ako ng lahat ng Laynie.

"Tungkol saan ba?" Yumuko ako at hinubad ang sapatos ko. Ang sarap sa pakiramdam na nakahinga ng maluwag yung mga paa ko.

"Ipapakasal kita," deklara niya bigla.

Napaubo ako ng makailang ulit, pakiramdam ko kasi parang bumara sa lalamunan ko ang mga sinabi ni papa. "Ipapakasal? Kanino naman? Eh wala naman na akong boyfriend. Hiniwalayan na ako ng boyfriend ko."

Oo, ako nga ang hiniwalayan ng lalaki.
Ang saklap di ba?

"Isa pa nag aaral pa ako at malayo pa yan sa isipan ko ang magpakasal pa," pagpapatuloy ko.

"Hindi si Jimson ang tinutukoy ko."

Naintriga ako bigla sa sinabi niya, wala kasi talaga akong ka ide-ideya kung ano ba ang pinagsasabi niya at kung sino ba ang tinutukoy niya.

Inilapag ko sa ibabaw ng coffee table ang bitbit kong mga libro at school bag bago ako tuluyang naupo sa sofa at ipinatong ang mga paa ko sa ibabaw ng coffee table. "Sino ba kasi ang tinutukoy mo?"

Dirty Fantasies | ✔️🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon