13 - Sa Una Lang

8 1 0
                                    

SA UNA LANG

nabubuo ang isang grupo dahil sa pagkakaibigan,
hindi ito nasusukat sa tagal ng pagsasamahan,
puro tawa at kwentuhan ang kaganapan,
'pag magkakasama ay nangibabaw ang kasiyahan,

paminsan-minsan ay may nagtatampo,
sama-sama namang bumubuo ng plano,
plano para makipagbati sa isa,
'di magtatagal ay mabubuo ulit ang tropa,

pero bakit habang tumatagal ay lumalayo na?
lumalayo na ang loob natin sa isa't-isa,
madalang na tayong lahat na magkausap,
'pag nagkakasalubong, ngitian at iwasan ang nagaganap,

sa una lang talaga masaya,
sa una mo lang sila makakasama,
hindi lang ang taong mahal mo,
pati na rin ang mga kaibigan mo.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now