16 - Patak

10 1 0
                                    

PATAK

Iminulat aking mga mata
Hinawakan ko at ito na nama'y namamaga
Dahil sa paulit-ulit na pag-iyak
Walang tigil, mga luhang pumapatak

Iniisip ang ating nakaraan,
Nakaraan na sobra mo akong nasaktan
Sa pag-ibig nating hindi ko inaasahan,
Na ganito pala ang kahahantungan

Naalala ko pa kung gaano tayo kasaya,
Doon sa lugar kung saan tayo unang nagkita
Lagi mo akong pinapatawa sa bawat sandali,
Lagi akong umuuwi na may ngiti sa aking labi

Madalas mo akong binibigyan ng kulay pulang rosas,
At sinasabing ako lang ang gusto mong makasama sa bawat oras
Minsa'y nalulungkot sa aking naiisipan,
Ngunit sinasabi mong huwag akong mag-alinlangan

Pag ika'y pumupunta sa aming tahanan,
Nakahanda ka at lagi mo akong kinakantahan
Sa bawat paghampas ng mga daliri mo sa gitara,
Para bang sa tenga ko ay isang napakagandang musika

Bawat sinasabi mo ang salitang mahal kita,
Puso ko'y para bang tumatalon sa tuwa
Madalas mo akong bigyan ng mga yakap
'Pag tumitingin, mga mata natin ay nangungusap

Ngunit singbilis ng kisap-mata,
Pag-ibig natin ay naglaho nalang bigla
Ang dating tuwa at saya,
Ay napalitan ng patak ng mga luha

Mga pangako mo sa akin,
Ay hindi mo na tutuparin
Ang sumpaan natin sa isa't-isa,
Ay hindi na mangyayari pa.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now