17 - Untitled

11 1 0
                                    

UNTITLED

Sa gitna ng malalim na gabi
Damang-dama ko ang lamig dahil wala ka sa aking tabi
Inaalala ang ngiti at mata mong halata ang saya
Na hindi ako ang dahilan kundi siya

Kailan nga ba nagsimula ang ating pag-ibig?
Noong unang sinabi mong ako ang iyong daigdig
Ang puso ko naman ay nagpatalo at nagpadaig
Kulang nalang ay buhusan ako ng malamig na tubig

Buhusan para magising sa katotohanan
Katotohanang sa aki'y sumasampal dahil sa aking kahibangan
Dahil naniwala ako sa'yong kasinungalingan
Kasinungalingang dahilan kung bakit ang puso ko'y naging sugatan

Ako'y patuloy sa'yong nangungulila
Iniisip ko ang ating mga alaala
Alaalang binuo natin noong tayo'y masaya pa
Alaalang patuloy kong iingatan kahit tayo'y wala na

Ang puso ko'y patuloy pa ring umaasa
Umaasa kahit na wala ng pag-asa
Umaasang babalik ka
Kahit alam kong iniwan mo ako, para sa kanya.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now