5 - Panaginip

9 1 1
                                    

- PANAGINIP

magkahawak ang ating kamay,
habang naglalakad patungo sa tulay,
at tunghayan ang magandang paglubog ng araw,
na mula rito'y aking natatanaw,

hindi mawala ang ngiti sa aking labi,
'pagkat nakasama kita, kahit sandali,
ikaw ay nasa aking tabi,
at pinakikinggan ang mga ibong humuhuni,

ako sa'yo ay napatingin,
at ikaw ay gano'n din,
mga mata natin ay nagtagpo,
bumilis ang pagtibok ng aking puso,

mas hinigpitan mo pa ang paghawak sa aking kamay,
na sa puso ko'y nagbibigay buhay,
nilapit mo ang iyong mukha sa'kin,
dahilan para mukha ko'y mag-init at ako'y umiwas ng tingin,

niyakap mo ako ng mahigpit,
sa iyong mga bisig, mga braso ko'y nakaipit,
pagtibok ng 'yong puso'y aking naririnig,
na tila isang himig,

bahagya mong niluwagan ang yakap mo,
at nilapit ang iyong mukha sa tainga ko,
kasabay ng pagsambit ng mga katagang "Mahal kita",
ako'y napangiti at puso ko'y nagwawala sa tuwa,

may init na dumampi sa aking mukha,
mga mata'y idinilat at sikat ng araw sa'kin ay nakatama,
alas-syete ng umaga nang ako'y magising,
mula sa panaginip na ika'y kapiling,

ako'y bumangon at sumilip sa bintana,
na sana pala'y 'di ko na ginawa,
kayo'y magkasama ulit,
hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit,

tila ang lahat ay isa lamang panaginip,
ang makasama ka'y mananatiling kathang-isip,
ang mayakap ka'y madarama lamang sa pag-idlip,
at sa pagmulat ng aking mga mata, lahat ay imahinasyon lamang ng aking isip.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now