— IBA NA
'Di mo man mapakinggan, ito'y isang tula
Tulang sa ngayon ay ikaw muna ang paksa
'Di sigurado kung may susunod pang ganito ang mangyayari
'Pagkat hindi na ikaw ang gagawin kong paksa sa huliKailan nga ba nag-umpisa?
Ang pagmamahalan sa pagitan nating dalawa?
Importante pa nga ba kung kailan nagsimula?
O ang pang-iiwan mo sa'king walang binibigkas na salita?Sa mga nakakabighani mong salita na hindi ko alam kung bakit ako nagpaloko
Sa mga pangako mo na ikaw din mismo ang pumako
No'ng mga panahon na ikaw ang bumuo sa pagkatao ko
Ikaw din pala mismo ang sisira nitoNaalala mo pa ba?
'Yung mga panahong tayo'y masaya pa?
'Yung sayang akala ko'y panghabang-buhay
Ngunit pansamantala lang pala ang ibibigayIsang araw ay umalis ka nalang nang walang pasabi
Parang kanina lang ay sinisilayan natin ang mga bituin habang tayo'y magkatabi
Hindi ko mapagtanto kung ako ang nagkulang sa'yo
O sadyang hindi ka lang talaga nakuntentoAlaala nalang ang ating pagsasama
Alaala nalang nung tayo ay masaya pa
Mga pangako natin noon sa isa't-isa
Ay tuluyan mo nang tutuparin sa iba.