48 - Buhay Estudyante

7 1 0
                                    

BUHAY ESTUDYANTE

binuklat ang talaarawan,
binalikan ang mga kaganapan,
dinamang muli ang kasiyahan,
na nangyari sa nakaraan,

gigising nang maaga,
kamot ang mata at lutang pa,
didiretso sa banyo,
at sasalubungin ang malamig
na tubig panligo,

maglalakad sa daanan,
papasok sa eskuwelahan,
matataranta 'pag naalala ang takdang-aralin,
magsasabi sa kaklaseng, "Hindi mo nagawa? Ako rin!"

dadating ang oras ng kainan,
bababa sa hagdanan at sa kantina'y nagtutulakan,
babalik pa sana ulit,
kaso'y nakasalubong ang guro mong
nakatingin sa'yo nang masungit,

papatak sa oras ng Matematika,
bubulong sa katabing, "Anong sagot sa bilang dalawa?"
makikinig kasama ang mga kaklase,
ang may matutunan sa klase ang importante,

uuwi kasabay ang mga kaibigan,
magkukwentuhan tungkol sa inyong
kalokohan,
magtatawanan sa maliit na bagay,
magpapaalam 'pag malapit na ang bahay,

sinarang muli ang talaarawan,
tumitig sa labas ng tahanan,
kailan kaya muling makakapasok sa eskwela?
hinihiling na sana'y buong mundo ay
maging normal at umayos na.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now