22 - Corona

8 1 0
                                    

CORONA

sa isang iglap,
may isang sakit na biglang lumaganap,
sakit na nagpahinto sa ating lahat,
dahil sa sobrang bilis nitong kumalat,

sa simpleng paghawak sa iba,
ay posible nang makahawa,
sa pagbahing at pag-ubo,
malanghap sa may sakit ay pwede nang magkaroon nito,

kada-araw ay nadaragdagan,
dumarami ang mga nahahawaan,
sa sakit na ito ay wala pang lunas,
kaya't dapat ay maging malakas,

kalaban ng lahat na hindi natin nakikita,
ngunit kung nahawa ay tiyak na manghihina,
isang laban na dapat nating pagtuunan,
sandata ay kooperasyon at tulungan,

mga frontliners ay aking palakpakan,
'pagkat ano mang oras ay handa nila tayong tulungan,
maging banta man ito sa buhay nila,
ay ginagampanan pa rin nila ang tungkulin nila,

sabihin ng gobyerno ay sundin,
tigas ng ulo ay 'wag nang pairalin,
sa oras na ito ay dapat tayong magtulungan,
kung ayaw nating maubos ang buong sambayanan,

bilang ng mga may sakit ay wag nating hayaan na rumami pa,
ingatan ang sarili at sa lahat ay makiisa,
simpleng social distancing, pag-aalaga sa sarili, at paghuhugas ng kamay,
ay pwedeng makasalba ng maraming buhay,

tayong mga Pilipino,
'wag pairalin ang tigas ng ulo,
itong laban ng buong mundo,
'wag susuko at kaya natin 'to!

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now