20 - Hindi Na Sana

8 1 1
                                    

HINDI NA SANA

Laging napapahamak
Naging sanhi ng mga matang umiiyak
Salitang nakakasakit na
Bibig na nagkakalat ng maling impormasyon at istorya

Hindi nalang sana nag-ingay
Wala sanang usap-usapan na nabuhay
Hindi nalang sana dumaldal
Maling istorya sana ay hindi nagtagal

Bibig na walang preno sa pagsasalita
Hindi nalang sana nasabi ang hindi dapat malaman ng iba
Hindi nalang sana lumawak ang gulo
Edi sana'y ayos tayo, pare-pareho

Pasensya, maling kami ay nagalit
Hindi man lang pinakinggan ang sasabihin mo, kahit saglit
Pasensya kung masyado kaming makwento sa iba
Ng mga kwentong hindi naman dapat sinasabi sa kanila

Ngayon, amin kayong naiintindihan na
Pinakinggan na sana ang nararamdaman mo, noon pa
Ngunit ngayon ay wala nang magagawa pa
Pasensya, hindi na kami mag-iingay pa.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now