18 - Tatlong Beses

8 1 0
                                    

TATLONG BESES

Nang tayo'y nagkakilala
Ang puso mo'y nasa kanya na
Sobrang saya nyong dalawa
Na parang wala kayong problema

Isang araw, 'di ko inaasahan ang pagpunta mo
Pagkabukas ko ng pinto, iyak mo agad ang narinig ko
Inilabas mo ang hinanakit na nariyan sa puso mo
Dahil sa panlolokong ginawa niya sa'yo

Sinabi mong tatlong beses ka niyang niloko
Tatlong beses mo siyang nahuling nagsisinungaling sa'yo
Tatlong beses mong tinanggap ang mga pagkakamali niya
Sa kabila no'n ay minahal mo pa rin siya

Sa mga araw na lagi tayong magkasama
Walang oras na hindi mo binabanggit ang pangalan niya
Dinamayan kita sa mga araw na lumuluha ka
Kahit pati ako ay nasasaktan na

Hindi nagtagal, umayos na ang lagay mo
Hindi ko na nakikitang mugto ang mga mata mo
Isang araw ay nalaman kong bumalik ka na sa kanya
Wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti at suportahan kayong dalawa

Ngunit bago ka bumalik sa kanya
Inamin ko munang 'mahal kita'
Sinabi ko iyon para gumaan na ang tinatago kong nadarama
Hindi para agawin ka sa kanya

"Hindi kita mahal.", tatlong salitang hindi mawala sa isip ko
Tatlong beses na sinaksak ang puso ko
Tatlong beses ko ring narinig ang pasensya mo
Ngunit ayos lang sa akin, suportado ko kayo

Sana dumating ang araw na mawala ito
At malimutan ko ang nararamdaman ko sa'yo
Darating ang araw na tatlong beses kong sasabihin sa sarili ko
Na hindi na ikaw ang mahal ko.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now