28 - Mga Baka Sakali

6 1 0
                                    

MGA BAKA SAKALI

noong umpisa,
mga tanong sa isip ay nagsimula,
naipon sa mga dumaan na panahon,
nalunod at hindi alam kung kailan makakaahon,

noon ay nakaramdam ako sa'yo ng kakaiba,
nagbigay ka naman ng motibo at ako'y umaasa,
na baka sakaling mahal mo rin ako,
tulad ng pagmamahal ko sa iyo,

isang araw ay ako'y nagtapat,
sinabi ko sa'yo lahat-lahat,
mga baka sakali'y nawala sa isang iglap,
nang sabihin mong ako ang 'yong pinapangarap,

tayo'y naging maligaya,
ginawa ang lahat ng ating makakaya,
upang mga pangako sa isa't-isa ay matupad,
at ang sumpaan ay hindi sumama sa hangin na lumipad,

ngunit ang kasiyahan ay hindi pala pangmatagalan,
sing-bilis ng kisap-mata, ako'y iyong iniwan at ika'y lumisan,
mga katanungan ay nag-umpisa na namang lumitaw,
habang iniisip ka't sa malayo ay nakatanaw,

walang tigil ang luha sa mga mata,
humihikbi habang nakatingin sa bintana,
ang baka sakali noon na sana'y mahalin mo rin ako,
ngayo'y naging baka sakali na magbalik ka sa piling ko.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now