2- Loyal Sab

113 5 0
                                    

Isang araw ay nagulat siya nang makita niya si Volts sa labas ng kanilang school building. Nginitian siya ito at gumanti din siya nang ngiti sa lalaki. Akala n'ya ay katulad nang dati ay naroon ito para hintayin ang girlfriend nito, kaya akmang lalagpasan na n'ya ito nang hawakan nito ang kamay n'ya para pigilin siya.

“After ng graduation ay aalis ako ng bansa papunta sa States para mag-take ng MBA.” Imporma nito. Hindi siya nakasagot sa sinabi nito dahil bigla siyang nalungkot. Kahit kasi 'di sila masyadong nagkakasama basta alam n'yang nadiyan lang ang binata ay masaya pa rin siya, ngunit iba kapag umalis na ito. Hahanap-hanapin n'ya ang presence nito.

“P-Paano kayo ni Arianne, magiging LDR?” curious na tanong n'ya.

“Nag-break na kami last week,” imporma nito. Malungkot siya dahil alam n'yang malungkot ito, second girlfriend nito si Arianne at nagtagal nang halos mahigit isang taon, tapos mauuwi lang pala sa hiwalayan katulad nang nauna nitong girlfriend no’ng high school. Ngunit siyempre ay mas nangingibabaw ang tuwa dahil malaya na uli n'ya itong mahalin. Gusto tuloy niya mapa-whistle ng ‘Fly me to the moon’. “In-inform lang kita baka kasi sa iba mo pa mabalitaan na umalis na ako ng bansa.”

Tipid siyang tumango. “B-Bakit kayo nagkahiwalay?” curious na tanong n'ya, na hindi nito sinagot hanggang sa tuluyan na itong nagpaalam sa kanya.

    Months later, nairaos ang graduation ni Volts at ito bilang Magna Cum Laude. Nasa bahay siya no’n ng binata para um-attend ng Graduation party-slash-despedida nito at kinuha n'ya muli ang pagkakataong 'yon para muling maipagtapat ang kanyang nararamdaman sa kaibigan. But for the second time around, she was rejected. Pero hindi siya susuko dito dahil nararamdaman n'yang isusuko din nito ang puso sa kanya.

    At ipinapangako n'ya na sa muling pagbabalik nito sa bansa ay araw-araw n'yang bubuksan ang puso nito para sa kanya at para ipa-realize sa lalaki na mahal talaga siya nito. Kaya naman makalipas ang dalawang taon nitong pag-aaral ng master’s degree at isang taong experience na magtrabaho sa isang music store sa States ay umuwi ito sa bansa para tumulong sa Corporation ng pamilya nito hanggang sa maitayo ang Meteor Records.

   

Twenty four years old ito nang i-handle nito ang Meteor Records at ngayon nga ay may apat na taon na rin itong namamayagpag sa industriya at marami na ring mga baguhang OPM singers ang sumikat sa tulong nito. Kung pupuwede ay maaari din namang itong maging recording star, ngunit mas pinili nitong mag-manage ng kompanya.

At four years na n'ya itong sinusundan simula nang dumating uli ito ng bansa at lantarang ipinahayag na handa uli n'ya itong suyuin para magising ang nararamdaman nito para sa kanya. Ngunit ipinagtapat nito na may girlfriend na ito, si Angelique, na anak ng business partner ng daddy nito at mag-iisang taon na ang mga ito.

Nagduda siya dahil wala man lang siyang clue na may nililigawan ito dahil alam n'yang ilang taon ding nabakante ang lovelife nito dahil sa pagka-busy sa trabaho.

Maganda at sexy ang babae na parang Pia Wurtzbach ang dating at dagdag pa na sa States nag-aral, kaedad n'ya ang babae ngunit nakakasiguro siyang hindi talaga mahal ni Volts ang babae. Nakilala na n'ya ang babae at masyado itong boring at stiff, wala nga yatang kiliti sa katawan at sobrang hinhin. 'Di n'ya ito bet kasi sobrang opposite n'ya.

At three months after ay nabalitaan n'yang nag-propose na daw si Volts sa girlfriend nito—na muling ikinawasak ng puso n'ya! Ngunit hindi pa rin siya susuko dahil hangga’t hindi pa kasal ang dalawa ay may pag-asa pa siya! Parang sa larong basketball, hangga’t may oras pa ay laban lang nang laban!

    She is the heiress of a well known and multi-branch perfume company in and out of the country, ang ‘The Fragrance’, at ngayon ay CEO na siya ng sarili niyang perfume shop na may pangalang Sab’s Scents kaya hindi siya magpapahuli sa fiancée ni Volts, na isa ring business tycoon.

After her college graduation—kung saan nakapagtapos siya as Cum Laude—ay nag-take muna siya ng half year vacation bago sumabak sa business world. Pumasok siya sa Company ng daddy n'ya for two years para kumuha ng working experience bago naitayo ang Sab’s Scents, na namamayagpag hindi lang sa bansa kundi pati na rin sa buong South East Asia dahil sa mahigit sampu nang branches, and soon sa buong mundo.

    “Paparating na si Angelique kaya please, Sab.” Ani Volts, na napahilot ng sentido nito.

    “So, what? She knows that we’re friends. Bakit, nagseselos ba siya sa akin?” Nakangiting tanong n'ya.

    “No!” naiinis na sagot nito.

    “Eh, hindi pala, e, so, I can join you guys, gutom na rin ako.” nakangiting sabi n'ya.

    “Sab, please, this is mine and Angelique’s date.”

    “Ayoko! I’ll be staying here,”

    “Sab!”

    “No, no, no.” nakangiting pamimikon n'ya.

    “Voltaire?”

    Sabay silang napalingon ni Volts sa tumawag pangalan ng binata, at nang makita n'ya ang mukha ni Angelique ay biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi dahil awtomatikong napataas ang kanyang isang kilay.

The DeceiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon