8 - Big explosion

110 7 1
                                    

KINABUKASAN ay ang laki ng eyebags ni Sab dahil hindi siya nakatulog buong gabi dahil sa kakaisip kay Volts at ang ginawa niyang pagpapalaya sa damdamin n'ya para sa lalaki.

Halos mangiyak-ngiyak pa siya dahil sa sakit na nararamdaman pero wala na siyang magagawa dahil bukod sa nasabi na n'ya, wala na rin namang makakapagpabago ng damdamin ng binata para sa fiancée nito, masyado itong nabulag sa mala-anghel na mukha ng dalaga.

Tinatamad siyang pumasok sa shop n'ya pero kung mananatili siya sa bahay nila ay mas lalo n'yang maiisip ang puso n'yang sawi kaya pumasok na lang siya.

Mabuti na lang at marami silang customers kaya kahit papaano ay nalibang siya . May mga latest formulations din siyang ginawa para sa scent of the month, isang fruity cologne for kids and teens na tiyak papatok sa masa.

Hindi n'ya namalayan na lunchtime na pala, kaya nagpabili na lang siya sa dalawang empleyado n'ya ng lunch nilang apat para sabay-sabay na rin silang kumain, masyado kasing abala ng araw na 'yon kaya hindi na n'ya napansin ang oras.

Pagkatapos nilang kumain ay saka siya bumalik sa kanyang opisina para mag-tally ng mga naging sales nila for the past two months nang makatanggap siya ng tawag mula kay Zorick.

“Hello, Zorick?” bungad n'ya.

“I think, 'yong lalaking kasama ni Angelique na sinabi ko kahapon sa 'yo ay hindi n'ya lang business partner, baka karelasyon n'ya.” anito.

“Zorcik, are you spying on her?” tanong n'ya.

“No, no, listen,” mabilis na sagot nito. “I have a lunch meeting with a business partner in the same hotel when I saw them checking out together.” Kuwento nito.

“That’s impossible, Zorick, I know she love Volts, nakikipag-away pa nga siya sa akin dahil sa paglapit-lapit ko sa fiancé n'ya, e.”

“Eh, malay mo nagto-two time siya at malay mo din kung ginagamit n'ya lang si Volts para sa business purposes.”

“You’re just thinking too much, Zorick.”

“Hindi ko lang matanggap na sinaktan ka n'ya para lang sa wala, that selfish brat!”

“Chill! I can handle this.”

“No!” anito. “And I had talk to her a while ago and you know what, she just ignored me like a trash. Ikaw nga hindi ako ini-snob, e, tapos siya gaganonin lang ako?”

“Zorick,”

“I need to go now, Sab, we'll talk again later. I need to do something, bye.” Tuluyan na nitong ibinaba ang tawag.

Napapaisip tuloy siya kung may katotohanan nga kaya sa mga sinabi ni Zorick tungkol sa lalaking nakita nito na kasama ni Angelique? Kung kasama nito ang lalaking 'yon buong magdamag, kaano-ano nito ang lalaki? Kinakain tuloy siya ng curiosity niya.

PAGKATAPOS ni Sab from work ay sinadya n'ya si Angeqliue sa kompanya kung saan nagta-trabaho ang babae, gusto n'ya itong maka-one on one.

Ngunit papasok palang sana siya sa entrance ay nakita na n'yang lumabas ito sa exit gate kaya sinundan na lamang n'ya kung saan ito pupunta at doon n'ya ito kakausapin.

Nang biglang mag-ring ang phone n'ya ay si Zorick ang nasa kabilang linya, hindi sana n'ya ito sasagutin dahil abala siya sa pagmamaneho ngunit imbes na patayin ang tawag ay na-swipe pa n'ya ang answer call. Napailing siya sa kanyang sarili.

“I am done with her, you don’t need to worry anymore.” Anito, na ipinataka nil'ya.

“What do you mean by that?” naguguluhang tanong n'ya.

“Oras na um-andar ang sasasakyan n'ya ay magsisimula na rin um-andar ang time bomb na itinanim ko sa sasakyan n'ya. Hindi 'yon mahahalatang time bomb dahil para palalabasin 'yon na nasira ang makina ng sasakyan at sobrang nag-overheat.”

“What?” nagulat na tanong n'ya dahil sa sinabi nito. “Are you referring to Angelique?” tanong n'ya na agad nitong sinang-ayunan.
“Are you crazy? What have you done?!” naiiling na sabi n'ya saka mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. “I hate her and I wished to never see her again but I don’t like her to die with that kind of death, Zorick Malaking kasalanan sa batas itong ginawa mo!”

“I did this for you!”

“I didn’t tell you to do this for me, Zor,” naiinis na sabi n'ya, ang bilis ng tibok ng puso n'ya habang mabilis na sinusundan ang sasakyan ni Angelique. “Ilang minuto na lang?”

“She only have two minutes left.”

“Zorick, you’re out of your mind!” naiiling na sabi n'ya, saka ibinaba ang tawag para makapag-concentrate sa kanyang pagmamneho, binilisan n'ya ang pagmamaneho para harangan ng sinasakyan ng babae, saktong naharangan n'ya si Angelique sa walang katao-taong kalsada.

Mabilis n'yang hinarangan ang sasakyan na ikinagulat nito at mabilis na ikina-preno. Agad siyang lumabas sa kanyang sasakyan at kinatok ang bintana ng sasakyan nito ngunit hindi siya pinagbuksan ng bintana.

“Lumabas ka d'yan sa sasakyan mo!” sigaw n'ya, saka isinisenyas ang sasakyan nito, napapailing lang ito sa kanya at binabalewala ang sinasabi niya. Muli niya itong kinatok ngunit imbes na pagbuksan siya ay inilihis nito ang gulong ng sasakyan at akmang aalis na nang mabilis siyang humarang, doon ito nagbukas ng bintana ng sasakyan nito.

“Are you out of your mind?” naiinis na sabi nito.

“Bumaba ka d'yan sa sasakyan mo, dali!” aniya.

“At bakit ko gagawin 'yon?”

“May time bomb sa loob ng sasakyan mo,”

“What a re you saying?” tanong nito na tila sinasabing malaki na ang saltik sa ulo niya.

“May nagsabi sa akin na tinaniman ng bomba ang sasakyan mo kaya kailangan mo nang umalis d'yan, dali!” aniya, saka niya mabilis dinukwang ang lock ng pintuan ng sasakyan para buksan..

“At sino’ng tao ang gagawa n'yon sa akin? Wala namang galit sa akin, maliban sa yo.” Anito.

“Kahit galit ako, hindi ko 'yon gagawin sa 'yo.” saka n'ya ito nagmamadaling hinila para tuluyang makalayo sa lugar. Nairita siya dahil kahit nagmamagandang-loob na siya sa babae ay gusto pa rin nitong kumalas sa pagkakahawak n'ya.

“You are imitating me, ginaya mo na naman ako sa suot kong accessories at tops ko!” anito, mabilis siyang bumaling sa babae at nakita nga niyang pareho uli sila ng suot na alahas at design ng pang-itaas na damit. “Wait!” saka bumitiw nang tuluyan sa pagkakahawak n'ya. “Kukunin ko lang ang bag ko, nasa loob n'yon ang USB na may important files ko!” anito.

Huli na nang hilain n'ya ito dahil nakalapit na ito sa sasakyan, wala siyang choice kundi sundan ito para hilain muli, nang makuha nito ang bag ay mabilis na n'ya itong hinila ngunit imbes na ang kamay nito ang mahawakan n'ya ay ang bag at bago pa n'ya ito malapitan nang husto ay bigla na lang may malakas na pagsabog at kasabay n'yon ay ang pagsiklab ng malaking apoy.

***
A/N: Who's reading this?

The DeceiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon