"Alam nating pareho na mali ito sa una pa lang, I'm sorry kung ginamit lang kita para mawala ang lungkot ko and I am thankful to you. Pero alam kong walang patutunguhan itong relasyon na ito, kaya tapusin na natin. I'm sorry." Saka siya nagmamadaling pumasok sa sasakyan n'ya at tuluyan nang umalis sa lugar.
Saglit siyang napailingon sa side mirror para tingnan si Warren na malungkot na nakatayo pa rin kung saan n'ya ito iniwan. She was so sorry for the man, mukha itong mabait at sweet ngunit niloloko lang ito ni Angelique, kaya bago pa ito mas lalong masaktan ay kailangan na n'yang tapusin ang kung ano'ng meron ang dalawa.
Umuwi na siya agad sa bahay nila. Nang makarating siya doon ay agad siyang pumasok sa loob at nagtungo agad sa kuwarto n'ya, pakiramdam n'ya ay pagod na pagod siya nang araw na 'yon. Ngunit bumalik sa isip n'ya ang panloloko na ginawa ni Angelique kay Volts at hindi n'ya maiwasang masaktan para sa lalaki.
Nagpahinga muna siya saglit pagkatapos ay nagbihis ng pambahay saka nagtungo sa kusina. Magluluto siya ng spaghetti, na isa rin sa gustong-gusto nilang kainin ni Volts noon. Nang makita siya ng mga katulong sa kusina ay nagulat ang mga ito, lalo pa nang makita siyang nakasuot ng apron-hindi naman daw kasi siya mahilig sa pagluluto kahit kailan, kaya nagtataka ang mga ito na makita siya doon-ang sabi n'ya ay natutunan lang n'ya sa youtube ang lulutuin.
Na sa totoo lang ay pinag-aralan n'ya ang recipe na 'yon noon mula sa mga katulong nila sa bahay. Hindi rin naman siya lumaki sa kusina dahil may mga katulong sila ngunit nang marinig n'ya mula sa daddy n'ya na mahilig ang mommy n'ya sa pagluluto at doon na-in love ang daddy n'ya ay kahit mahirap ay nagpaturo siya sa pagluluto at ang spaghetti nga ang una n'yang natutunan.
PAgkatapos n'yang magluto ng spaghetti ay mabilis siyang naglagay sa tupper ware dahil balak n'ya 'yon dalhin sa opisina ni Volts. Saglit lang siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili saka na rin siya tuluyang nagtungo sa Meteor Records.
Pagkadating n'ya sa opisina ni Volts ay hindi n'ya naabutan ang lalaki dahil ayon sa isang empleyado nito ay nasa recording studio daw ang lalaki dahil may fina-facilitate itong recording ng isang album, kaya mahigit isang oras din siyang naghintay sa binata sa opisina nito, kilala naman na siya ng mga tao doon-even when she's Sab, kaya iniwan na siyang mag-isa doon.
At dahil nainip siya sa paghihintay ay kinalikot muna n'ya ang mga gamit sa opisina ni Volts. Ang picture frame nito sa mesa kasama si Angelique-na mabilis n'yang itinaob pagkakita. Ang isang iron man toy nito-he loves collecting iron man toys, may isang cabinet nga din ito ng collection at no'ng college sila ay talagang pinag-ipunan pa nito para makabili.
Umupo siya sa swivel chair nito at nagpaikot-ikot doon bago niya k'nuha ang black suit nitong nakalapag sa likuran ng swivel chair at inamoy-amoy 'yon, ang bango at amoy Volts 'yon saka niya muling ibinalik. Pinakialaman din n'ya ang mga drawers ng mesa nito, ang dami nitong papers and documents na naroon. Ngunit naagaw ng kanyang mga mata ang pinakaibabang bahagi ng drawers dahil may nakita siyang snow globe doon. Bakit siya may snow globe?
Ngunit agad din n'yang isinara ang drawer nang marinig n'yang may pumihit ng doorknob at bago pa siya makitang nakaupo sa swivel chair ay nakatayo at nakalayo na siya doon at nakangiting binati ang guwapong si Volts. Nilapitan n'ya ito at mahigpit na niyakap at hinalikan sa mga labi nito, na ikinabigla nito at nabasa n'ya ang pagtataka sa mukha nito.
"I've cooked spaghetti for you!" nakangiting itinaas n'ya ang Tupperware sa lalaki. Saka n'ya mabilis na inilabas sa bag na dala niya ang tinidor at paper plate na gagamitin nito. "Medyo malamig na pero alam kong masarap pa rin." Mabilis n'yang binuksan ang lagayan at inilapag sa mesa sa loob ng opisina nito. Hinila n'ya ito para maupo sa visitor's chair para doon ito kumain.
"Y-You cooked this?" nagtatakang tanong nito, na mabilis n'yang tinannguan. "W-Where did you learn to cook? I thought you didn't find interest in cooking."
Mabilis siyang nakaisip ng palusot. "I leanrt to cook just for you." Nakangiting sabi n'ya. Nagtatakang sumubo na lang ito sa spaghetti na ginawa n'ya at sa huli ay sobra itong nasarapan doon.
At dahil malapit na siyang bumalik sa kompanya para magtrabaho-at hindi niya alam kung makakayanan ng powers n'ya ang mga tasks ni Angelique dahil hindi naman 'yon ang line ng career n'ya-gusto n'yang masulit ang nalalabing mga araw sa vacation leave n'ya.
The following day ay pinuntahan n'ya sa bahay ang binata para magkaroon ng quality time with him; naglaro sila ng mga paborito nitong videogames-na stress reliever nito, nanood ng justice league na favorite movie nito. Kinahapunan naman ay naglaro sila ng basketball at pagkatapos ay nag-soundtrip sila para makapagpahinga.
Nang mga sandaling 'yon ay nasa music room sila ng binata habang nakikinig sa mga OPM albums na lately ay ini-release ng Meteor records. Nakatitig lang sa kanya ang binata na tila nagtataka sa mga nangyayaring ito.
"Why?" natatawang tanong n'ya.
Umiling-iling naman ito at ngumiti. "I think I love you more today than yesterday." Anito na ikinangiti n'ya.
"Lyrics 'yon sa isang kanta, ah." natatawang sabi n'ya.
Natawa din ito. "Naisip ko lang, simula nang maaksidente ka at muling bumalik sa amin, ang laki nang ipinagbago mo,"
Hindi siya nakasagot. Hindi kaya napapansin na nito na hindi siya ang Angelqiue na nakilala nito? "B-Bakit? Ayaw mo ba nang bagong ako?"
Umiling ito at ngumiti. "No, I think I like you more and more today."
Nawala din tuloy ang agam-agam n'ya sa sarili na baka nagdududa na ito sa kanya. "How about, play with your guitar and sing me a song."
"You want to hear me sing a song and play with my guitar?"
Tumango siya at ngumiti. "And sing the song you had written when you were in college, the one that has a title of My sweet melody, something like that-"
"Wait!" mabilis na sansala nito sa kanya, saka siya pinakatitigan nang mabuti. "A-Are you really Angelique Quintero?"
"W-What are you saying?" natatawang tanong n'ya pero bigla siyang pinangambahan.
"I didn't mention you about my song composition especially that song. Paano mo nalaman ang tungkol d'yan?"
BINABASA MO ANG
The Deceiver
RomanceYsabelle Reyes is the heiress of one of the most successful perfume companies in the Philippines. Every guys in town adores her beauty and intelligence except for the guy she have loved for the rest of her life-Voltaire Vallejo, but she would do any...