3- Mahal ko o mahal ako?

106 6 0
                                    

NAKAKADALAWANG salin na ng red wine si Ysabelle habang nakatitig sa dalawang magka-date sa kabilang table na sina Volts at Angelique. Nag-give way na siya para sa date ng dalawa dahil hindi na maganda ang mga tingin ng lalaki sa kanya kanina. Hindi bagay ng isang magandang katulad n'ya ang mag-isa ngunit ano’ng magagawa niya kung ang nag-iisang lalaking gusto n'yang makasamang kumain ay kasama ng ibang babae?

    Napabuga siya ng hangin. That Angelique girl is one kind of a lucky girl, dahil kung tutuusin ay wala pa ito sa kalingkingan na nakilala nito si Volts kumpara sa kanya, ngunit sa loob lamang ng isang taon ay naikulong na agad nito ang puso nang minamahal n'ya. At ramdam n'yang alam ni Angelique ang damdamin n'ya para sa lalaki dahil ayon sa mga sabi-sabi, malakas makaramdam ang mga babae sa mga karibal nila at siguro obvious din naman siya dahil sa extra sweetness na ipinapakita n'ya para sa lalaki.

    Well, Angelique and Volts look good together. But sorry to say, Volts and I were perfectly made for each other! They complement each other too. Gutom na gutom na siya ngunit nawala na nang tuluyan ang gana n'ya sa pagkain kaya red wine na lang ang in-order n'ya. Abala siya no’n sa pag-inom nang mag-ring ang phone niya—it was Zorick on the other line.

    Zorick, he was the guy she had met, a year ago. He is tall, dark and handsome, na young version ni Ian Veneracion but she couldn’t feel anything towards the guy. Nakilala n'ya ito dahil nabangga n'ya ang sasakyan nito dahil sa pagkaabala n'ya no’n sa phone n'ya. Galit ito no’ng bumaba sa sasakyan nito hanggang sa makita siya at napalitan ang galit na mukha nito nang ngiti.

    Kinuha nito ang calling card n'ya para sa car settlement, pero nang tumawag naman ito ay hindi tungkol sa sasakyan ang sadya nito kundi isang date kapalit daw ng pagpapaayos ng sasakyan nito. Of course she refused, hindi naman n'ya ito kilala. Ngunit malakas yata ang connection nito kaya nahanap nito ang address ng Main branch ng shop na hawak n'ya, na nasa  isang malaking Mall hanggang sa araw-araw na itong dumadalaw sa kanya at nagtapat agad na gusto siya nito at handa itong manligaw sa kanya araw-araw hanggang sa mapa-oo daw siya. Kaedad nito si Volts.

    Ni-reject n'ya ito ngunit sumisige pa rin ito, somehow ay parang nakaka-relate siya sa sitwasyon nito, kaya lang sorry na lang dahil ipinatapat n'yang may mahal na siyang iba. Nakilala na rin ng lalaki si Volts nang minsang sundan n'ya ang lalaki at sinundan din pala siya ni Zorick.

    Katulad n'ya ay hindi daw ito susuko hangga’t hindi siya naikakasal dahil baka ma-realize din n'ya ang damdamin nito para sa kanya. So cliché, parang male version n'ya ito. At kaya daw nitong gawin ang lahat para sa kaligayahan n'ya ngunit hindi ito susuko para sa kanya.

    Hindi n'ya alam kung ano’ng trabaho ni Zorick at hindi rin naman ito nagkukuwento, basta ang sinasabi lang nito ay businessman ito though mas mukha itong member ng isang mafia group.

    Hindi n'ya sinagot ang tawag ng lalaki hanggang sa maka-receive siya ng text message galing dito. Ang sabi ng lalaki ay nasa harapan daw ito ng mansion nila at naghihintay para sa kanya, nalaman daw kasi nito mula sa guwardiya nila na wala pa siya sa bahay. And yes, hindi na nakakapagtaka na alam na din nito ang home address n'ya at nakilala na ang daddy n'ya.

    Minsan ay naisip na n'yang gamitin si Zorick para ipanselos kay Volts pero tulad nang dati, hindi pa rin umepekto. At siya ngayon ang sobrang selos na selos dahil sa sweetness nito with that girl.

    Napailing siya at napabuga ng hangin nang maramdam n1yang may nakatitig sa kanya sa kanang bahagi n'ya ay mabilis siyang napalingon, nahuli n'ya si Volts na nakatitig sa kanya kaya mabilis n'ya itong nginitian at itinaas ang wine glass pero agad din itong nagbawi ng tingin. Hindi n'ya inalis ang pagkakatingin sa dalawang noon ay tila masayang nag-uusap, nang mainip siya dahil hindi na siya tinatapunan ng tingin ni Volts ay tuluyan na siyang tumayo sa kinauupuan n'ya saka siya nag-iwan ng dalawang libong papel sa mesa.

The DeceiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon