MABILIS NA hinawakan ni Volts ang magkabilang balikat ni Sab para mailayo siya sa paghalik sa binata saka ito mabilis na dumistansya sa kanya na parang may nakakahawang sakit. Hindi n'ya maiwasang malungkot sa iniakto nito. Gano’n ba siya nito hindi kagusto? Ito pa lang ang unang lalaking nanakit sa puso n'ya pero kahit paulit-ulit na masaktan dito ay hindi pa rin n'ya ito sinusukuan, palibhasa sa lalaking ito lang din siya nahulog nang husto, na kahit hindi nito pinapansin ang damdamin ay mahal pa rin n'ya.
“Are you out of your mind?” inis na sabi ni Volts sa kanya, saka ito napahawak sa sentido nito at napailing. “Ilang beses ko ba kailangang i-remind sa 'yo na may fiancée na ako at malapit na kaming magpakasal at hindi na tama ang ginagawa mo.” Sermon nito.
“Ramdamin mo kasi ang puso mo, Volts, may damdamin ka rin para sa akin. Napilitan ka lang kay Angelique dahil sa partnership ng mga daddies n'yo.” Aniya.
“Of course not, I like her.”
“Like, yes, you like her but you love me!”
“Sab, mag-isip ka nga, hindi ko siya papakasalan kung hindi ko siya mahal.”
“At hindi ka pupunta dito kung hindi ka nag-aalala sa akin, dahil nga mahal mo din ako.”
Umiling ito at napabuga ng hangin. “Nandito ako dahil nakonsensya ako sa pambabalewala ko sa 'yo lately at dahil may sakit ka. Isa pa rin naman akong kaibigan, Sab.”
“So, this is just for friendship?” nasaktan na sabi n'ya, na tinanguan ng lalaki. “Volts, isipin mo din, kung si Angelique ang makakatuluyan mo, magiging boring na ang mundo mo. She’s not your ideal girl.”
“Who told you that? Hindi mo ba alam na finesse women ang mga type ko?”
“Ang sabi mo sa akin no’n ang mga type mo ay mga babaeng makakapagpasaya sa 'yo at magpapabago ng mundo mo!”
“Dati 'yon, nagbabago ang lahat, Sab.”
“Pero hindi ang pagmamahal ko sa 'yo, Volts.”
Hindi ito sumagot ay napayuko saka hinilot ang batok. Nakita n'yang may kung ano itong pinulot sa sahig at kapagdaka’y bumaling sa kanya at napailing. “At alam ko ring nagpapanggap ka lang na may sakit.”
Nanlaki ang mga mata n'ya nang ipakita nito sa kanya ang bawang na pinulot nito sa sahig. Bakit ba siya sobrang careless? “Fine! Gusto lang naman kitang makita, e, kaya lang hindi mo ako pinapansin kaya nagpanggap akong may sakit.” Pagtatapat n'ya.
Umiling ito at tumalikod sa kanya. Marahil ay nagtitimpi sa inis na nararamdaman nito dahil sa panloloko n'ya, saglit din itong bumaling sa glass cabinet kung saan nakalagay ang snow globe collections n'ya bago ito muling nagsalita.
“I need to go!” At bago pa siya nakapagsalita ay nakalabas na ito ng kuwarto n'ya. Mabilis n'ya itong nasundan sa hallway pababa ng hagdanan.
“Volts, wait!” aniya, kaya tumigil ito sa paglalakad. “Bakit hindi mo ako gusto? Ano bang ayaw mo sa akin? Maganda naman ako, matalino, mayaman, at kaya kitang pasayahin.”
Dahan-dahan itong bumaling sa kanya. “Because you just a friend to me, no more, no less.” Sagot nito. Ouch! Friendzoned at its finest! Tuluyan na itong bumaba sa mahaba nilang hagdan at naiwan na lang siyang nakatulala habang pinagmamasdan ang papalayong lalaki.
Kailangan na ba n'yang sumuko? ‘No!’ Sigaw ng puso niya at ‘Yes!’ naman ng isip n'ya. At kahit ano pa siguro ang gawin n'ya kung ‘friends’ lang talaga ang tingin nito sa kanya ay hindi na 'yon mababago pa. Ang ironic talaga lagi ng mundo, dahil kung sino ang minamahal mo, siya naman ang may ayaw sa 'yo.
BINABASA MO ANG
The Deceiver
RomanceYsabelle Reyes is the heiress of one of the most successful perfume companies in the Philippines. Every guys in town adores her beauty and intelligence except for the guy she have loved for the rest of her life-Voltaire Vallejo, but she would do any...